Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz Nagpapasalamat Sa Masayang Buhay Ngayon Kasama Ang Tatlong Anak

Published

on

Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang napakagandang aktres na si Sunshine Cruz ay minsan ng nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig, ito nga ay sa dati niyang asawang si Ceasar Montano. Sa kabila ng naranasan na kabiguan, tila naman ngayon ay natagpuan na ni Sunshine ang tamang lalaki na magpapasaya sa kanyang buhay.

Bago pa man maging magkrelasyon sina Macky at Sunshine ay pareho silang nagkaroon ng tatlong anak sa mga dati nilang karelasyon. Si Sunshine ay may tatlong anak na babae sa kanyang dating asawa, kung saan ang mga ito nga ay mga dalaga na ngayon, samantala si Macky naman ay dalawang lalaki at isang babae ang naging anak sa dati niyang karelasyon.

Inilahad rin ni Sunshine sa kanyang caption ang kanyang pasasalamat sa karelasyon niyang si Macky dahil sa naging pag-aalaga nito sa kanya, at ganun rin sa kanyang tatlong anak na babae. Dagdag pa ng aktres, si Macky ang isa sa kanyang inspirasyon para mas maging mabuti pa siyang tao.
“Thank you for being supportive and caring to me and the girls. Thank you for being one of my inspiration to always try to be a better version of myself. Thank you for always believing in me”, ani pa ni Sunshine.

Ibinahagi rin ni Sunshine kung gaano kasaya ang kanyang buhay ngayon, at gaano siya ka-thakful sa pagdating I Macky at ng mga anak nito sa buhay niya. “I am truly grateful for you, Ro, Cole and Charlie. You guys are blessing to me, Angelina, Sam and Chesca. Happy 5th anniversary to us my Macky! I love you! We love you!”

Makikita naman sa ibinahaging larawan ni Sunshine, na dahil sa pagkakaroon nila ng magandang samahan at relasyon ni Macky, ay maging ang kanilang mga anak ay tila tunay na magkakapatid na rin ang turingan.