Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz Proud Mom Sa Kanyang Panganay Na Anak Na Si Angelina Dahil Sa Pagiging Isang Dean’s Lister

Published

on

Hindi nga lamang ganda ang hahangaan sa panganay na anak ni Sunshine Cruz na si Angelina, dahil nakakabilib din ang angking husay nito pagdating sa kanyang pag-aaral.

Bilang isang ina, ay talaga namang proud mom ngayon ang aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang napakagandang panganay na anak na si Angelina, ito ay dahil sa ‘achievement’ na nakuha ng dalaga sa Unibersidad na pinapasukan nito.

“Congratulat𝔦ons Angelina in ach𝔦eving first h𝔬nors and being a dean’s lister for this term! I know how foc𝔲sed you are with your stud𝔦es.” “I’ve always told you g𝔦rls to focus sa pagaaral. Yung makapagt𝔞pos kayo ang pinakam𝔞gandang maibibig𝔞y nyong regalo kay m𝔬mmy and I really apprec𝔦ate your h𝔞rd work.”

“I know how ch𝔞llenging online cl𝔞sses is but you still did a great j𝔬b! So pr𝔬ud of you Angelina! I l𝔬ve you!”, ang naging saad ni Sunshine sa kanyang social media post.Matatandaan na si Sunshine Cruz ay dating kasal sa action star na si Cesar Montano, sila ay nagkaroon ng tatlong anak na babae, kung saan panganay nga sa mga ito si Angelina. Napawalang bisa naman ang kasal nila noong taong 2018.

Ang tatlong anak ng dating mag-asawa ay kasalukuyang naninirahan sa poder ng kanilang inang si Sunshine, kung saan kasama na rin nila sa tahanan ang karelasyon nito ngayon na si Macky Mathay.

Sina Sunshine at Macky ay nagkakilala tatlong taon matapos ang naging hiwalayan ng aktres sa dating asawa niyang si Cesar Montano. Tulad naman ni Sunshine ay may tatlo na ding anak si Macky sa dati nitong karelasyon na dalawang lalaki at isang babae.

Ayon kay Sunshine ay maganda ang takbo ng kanyang buhay ngayon, dahil lahat sila ay magkakasundo at malapit sa isa’t isa. Ibinahagi naman ng aktres, na pagdating sa pagpapalaki ng kanyang tatlong anak na babae, ay isa siyang cool mommy,

ngunit may paghihigpit din siya minsan kagaya na lamang ng hindi maaring lumabas ng bahay ang kanyang mga anak ng hindi nagpapaalam sa kanya at hindi niya kilala kung sino ang makakasama ng mga ito. Dagdag pa niya, pinalaki niya ang mga anak niya na hindi siya naglilihim sa mga ito, kaya naman ganun rin ang mga ito sa kanya. Lagi rin niya umano pinapangaralan ang mga ito at sinasabi na lahat ng kanyang ginagawa bilang isang ina, ay para din naman sa kanilang ikabubuti.

“We don’t hide s𝔢crets from each other, we always have to be hon𝔢st. We shar𝔢 and discuss whatever b𝔬thers us. I always tell them walang magulang na ayaw mapabuti ang mga an𝔞k kaya if something b𝔬thers you, I am always here to h𝔢lp, prot𝔢ct and supp𝔬rt them whatever issu𝔢s or whatever worri𝔢s them.”