Connect with us

Entertainment

Sunshine Dizon Ibinahagi Na Sa Kabila Ng Paghiihiwalay Nila Ng Dating Asawa Ay Maayos Naman Nitong Ginagampanan Ang Obligasyon Sa Kanyang Mga Anak

Published

on

Hindi madali ang obligasyon ng isang magulang, lalo pa’t dapat ito ay magktuwang na ginagawa ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Ngunit sa panahon ngayon ay may mga magulang nga na mag-isang itinataguyod ang mga anak, dahil sa hindi magandang kinahinatnan ng pagsasama nila ng kanyang kabiyak.

Sa kabila nito ay mayroon pa rin namang mga magulang na kahit hindi na magkasama ngayon sabuhay, ay pinipili na maging maayos ang relasyon sa isa’t isa, bilang magkaibigan para sa kanilang mga anak,

upang sa kabila nito ay pareho pa rin nilang nagagampanan ang obligasyon nila bilang mga magulang.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang ngayon ay Kapamilya actress ng si Sunshine Dizon, na sa kabila ng naging paghihiwalay nila ng kanyang asawa ay maituturing pa rin niya masuwerte siya dahil sa magkatuwang pa rin nilang nagagampanan sa kanilang mga anak ang pagiging magulang sa pamamagitan nga ng co-parenting set-up.

Kamakailan nga lamang sa isang show ng Cinema One ay nakapanayam ang actress na si Sunshine Dizon, at dito nga ay kanyang ikinuwento kung paano ang naging set-up nila ng kanyang dating asawang si Timothy Tan pagdating sa obligasyon nila bilang magulang sa kanilang mga anak.

Matatatandaan na naging kontrebesyal ang hiwalayan ni Sunshine at ng dati niyang asawa, kung saan ay umabot pa nga ito sa pagsampa ng aktres ng kaso laban sa mister dhil nga sa isyu ng pagkakaroon ng third party. Ngunit kalaunan naman ay naidaan nila ito sa maayos na usapan, kaya naman ngayon kahit hiwalay na ay nagkaayos sila pagdating sa kanilang mga anak.

Ibinahagi ni Sunshine, na kahit hiwalay na sila ng dating mister, ay nagpapasalamat pa rin siya dito dahil maayos nitong ginagampanan ang responsibilidad sa kanilang mga anak, bilang ama ng mga ito. Saad pa niya, kahit wala na sila ng asawa, ay nakikita niya ang kasiyahan ng kanyang mga anak, dahil sa nariyan pa rin ang ama ng mga ito para sa kanila.

“Siguro what I can say is I’m very thankful that he does what he has to do. He does his responsibilities and obligations well. My kids are happy na may daddy pa rin sila”, ani ng aktres.

Para rin kay Sunshine ay mapalad pa rin siyang maituturing, dahil kahit hiwalay na siya sa asawa, ay katuwang pa rin naman niya ito sa pagiging magulang sa mga anak nila. Hindi rin niya umano sasabihin na isa siyang single parent, dahil sa co-parenting nga ang set-up nila ng kanyang dating asawa.

Inamin naman ng aktres na siya ang tipo ng tao na hindi madaling makalimot matapos masaktan. Nagbigay din siya ng payo para sa mga taong katulad niya na dumaraan din sa naging karanasan niya.
“Siguro, ultimately dahil iba-iba tayo ng sitwasyon at kaso, isipin muna natin ang mga anak natin kung mayroon tayo. Ano ang kailangan nila, ano ang dapat sa kanila?”, saad ng aktres.

Naibahagi rin ng aktres kung ano ang natutunan niya sa naging karanasan niyang ito pagdating sa buhay at pakikipagrelasyon. “What I’ve learned in life is acceptance is the key, acceptance and forgiveness. Not only the person who wronged you but forgiveness for yourself.”