Connect with us

Entertainment

Teen Actress Francine Diaz Ibinili Ang Kanyang Pamilya Ng Bagong Tahanan At Sasakyan

Published

on

Tunay nga naman na nakaka-proud para sa sarili kung ang ilang mga bagay na alam mong pinapangarap ng iyong pamilya ay unti-unti mo ng naibibigay sa kanila dahil sa iyong pagsusumikap. At tila ganito nga ang nadarama ngayon ng teen actress na si Francine Diaz, dahil ngayon na siya ay isa na sa mga matatagumpay na aktres sa industriya ng showbiz ay ilan nga sa mga bagay na pinapangarap ng kanyang pamilya ang naibibigay na niya sa mga ito.

Kagaya na nga lamang ng nito lamang nakaraan ay masayang ibinihagi ni Francine na sa wakas, dahil sa kanyang naging pagtatagumpay sa karera sa pag-aartista ay nabili na niya ng sariling bahay at sasakyan ang kanyang pamilya.

Ayon nga kay Francine, noon pa man ay ipinangako na niya sa kanyang sarili na kapag siya ay naging matagumpay ay bibilhan niya ng maayos at kumportableng tahanan ang kanyang pamilya, ito nga ay dahil aminado siya na noong hindi pa siya sikat ay palipat-lipat sila ng tahanan dahil sa wala silang permanenteng tirahan.

Nang makapanayam ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang teen actress sa kanyang isang episode sa YouTube channel niya, ay dito na nga naikuwento ni Francine kung gaano niya ginusto at pinangarap na mabigyan ng tahanan ang pamilya niya.

“Gustong-gusto kasi namin ng sariling bahay. Actually, palipat-lipat nga kami. Ngayon nakakatuwa na mayroon na kaming house and may car na rin. Yung top 2 na sobrang kailangan naming yun yung inunan ko. And ngayon yung mga kapatid ko, nag-aaral pa sila, and gusto ko na ma-achieve na may mapagtapos ako na kapatid sa pag-aaral”, ang naging saad ni Francine.

Maliban sa sariling tahanan at sasakyan ay nais rin ni Francine na mapagtapos ang kanyang mga kapatid. Sila ay anim na magkakapatid, at ayon nga sa kanya lahat sila ay malapit sa isa’t isa.
Ibinahagi din ni Francine sa vlog na ito ni Dra. Vicki Belo kung ano sila bilang isang pamilya, at kung paanio sila pinalaki at dinisiplina ng kanilang mga magulang.

Kuwento niya, tuwing gabi ay hindi nila nakaliligtaang magpamilya ag magrosaryo o di kaya naman ay ang manalangin ng sabay-sabay. Aminado din siya na may pagka-istrikto ang mga magulang niya, kung saan ay mayroon nga silang curfew.

Naitanong naman ni Dra. Vicki Belo kay Francine kung ano ang kanyang gagawin halimbawa na may kapatid siya na nais rin pasukin ang mundo ng showbiz. At sagot nga dito ni Francine, kung mayroon man ay handa niyang suportahan ang kapatid niya, pero sa ngayon umano ay nakikita niya sa kanyang mga kapatid na wala pang balak ang mga ito lalo na’t mga mahiyain.

Samantala, maliban pa nga sa mga pangarap niya para sa kanyang pamilya, ay mayroon ding pangarap si Francine para sa kanyang sarili at ito nga ay ang makapagtapos ng kolehiyo, dahil batid niya na ang kasikatan ay hindi panghabangbuhay, at mas mainam pa rin na makatapos ng pag-aaral upang mas maging malawak ang kaalaman anumang larangan ang naisin niya sa hinaharap.