Inspiring
Thea Tolentino Nakapagtapos Ng Pag Aaral Kahit Pinagsabay Ang Pag Aartista

Batid natin na sa mundo ng showbiz ay marami sa mga hinahangaan nating artista ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil na rin sa pinili nila na magpokus muna sa kanilang career, sapagkat tunay namang minsan lang kumatok ang magandang oportunidad na ganito sa buhay ng isang taon.
Sa kabila nito, ,mayroon din naman na ibang artista na kahit abala sa kanilang karera ay pinili pa rin ang magpatuloy sa pag-aaral, kahit na nga ba hindi madali ang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista. Isa na nga sa mga ito ay ang aktres na si Thea Tolentino.
Kahit nga abala sa kanyang showbiz career si Thea ay nagawa niyang pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral, at nito nga lamang nakaraan ay matagumpay na niyang natapos ang kolehiyo, kaya naman kinamusta siya ng PEP.ph kung ano nga ba ang kanyang nararamdaman ngayon na siya ay graduate na.
Noon nga lamang nakaraang ika-20 ng Mayo ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email interview ang 25-taong gulang na aktres na si Thea Tolentino, at dito ay kanya ngang inihayag kung ano ang nararamdaman niya ngayon na isa na namang achievement ang kanyang napagtagumpayan.
“Masarap sa pakiramdam dahil achievement siya para sa akin.” “Napagsabay ko ang dalawang bagay na importante sa akin. Nahirapan man ako sa schedule, pero worth it!” Ayon nga kay Thea, hindi madali ang pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral, ngunit nagpapasalamat siya dahil nagawa niya ito at masaya siya dahil kahit mahirap ay naging worth it naman lahat ng pagod niya, sapagkat ngayon nga ay graduate na siya.
Pagbabahagi pa ng aktres, taong 2020 pa talaga siya nag-graduate virtually, ngunit nito nga lamang buwan ng Abril ng kasalukuyang taon sila nagkaroon ng graduation picture. Masaya namang ibinahagi ng aktres ang milestone niyang ito sa social media, kung saan ay kanya ngang pinasalamatan ang lahat ng mga taong sumuporta at tumulong sa kanya upang ma-achieve niya ito. Ilan nga sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya, kaibigan, mga kaklase at mga propesor.
“Ngayon ko lang na-feel na talagang graduate na ako. And yes, minsan talaga from taping na natatapos ng 6am dati. Deretso sa 7:30 am na class”, ang saad pa ni Thea sa kanyang post sa social media. Makikita naman na ito ay nilakipan niya ng kanyang larawan kung saan siya nga ay mayroong hawak na white board na may nakasulat na, “Grumaduate ng walang ligo galing taping pero fresh pa rin.”
Ayon sa ulat, ngayong ika-25 ng Hunyo ang graduation nina Thea, kung saan siya nga ay magtatapos ng kursong Business Administration Major in Public Administration sa Trinity University in Asia. Nang tanungin naman si Thea kung ano ang plano niya pagkatapos ng kanyang graduation ay inilahad ng aktres na nais niya rin umano sanang magtrabaho na labas sa pag-arte, ngunit batid niyang mahirap na makahanap ng trabaho na maisasabay niya sa kanyang pag-arte.
