Showbiz
Tinaguriang Hari Ng Stunt Na Si Dante Varona May Masaya At Tahimik Na Buhay Sa Ibang Bansa

Marami ng mga artista noon ang hindi na natin nasisilayan ngayon sa industriya ng showbiz, ito ay may iba’t ibang kadahilanan, at ang isa nga ay ang pinili nila ang iwan ang kasikatan at katanyagan upang mabuhay ng pribado at bigyan ng prayoridad ang kanilang pamilya. Samantala, isa sa mga mahuhusay at sikat na action star noong dekada 80 na nagkaroon ng mahigit 100 pelikula at tinagurian pa ngang ‘King of Stunt’ sa industriya ng showbiz na iniwan ang kanyang pag-aartista para mamuhay sa ibang bansa ay si Dante Varona.
Maaalalang ilan sa mga ginawang pelikula ni Dante ay ang Hari ng Stunt, Ermitaňo, Kung Tawagin Siya’y Bathala, The Ranging Ranger at Bangkay Mo Akong Hahakbangan. Ngunit ang pinakatumatak nga sa lahat ng pelikula na ito ay ang Hari ng Stunt noong 1981, kung saan ay ikinabilib ng lahat ang naging pagtalon niya sa San Juanico Bridge sa Samar Leyte. Sa tagal na nga ng paglipas ng panahon na wala sa mundo ng showbiz si Dante Varoza ay kamusta na nga ba ito ngayon?
Kamakailan lamang sa vlog ng The Wander Mamas nila LJ Moreno at Rufa Mae Quinto ay sinabi ng dalawa na aksidente nilang nakita si Dante Varoza sa isang grocery store, kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon na makakuwentuhan angg tinagurian noon na King of Stunt. Ayon sa dating sikat na action star, matapos niyang iwan ang mundo ng showbiz ay nagtungo siya sa bansang Amerika, at sa nasabing bansa nga ay nagtrabaho siya bilang janitor at security guard.
Naisalaysay din ni Dante Varoza ang tunay na dahilan ng pag-alis niya sa showbiz, at ito nga ay dahil sa pagkakagulo sa ‘movie indsutry’ kung saan ay naging isa siyang prodyuser noon ng pelikula.
“Maliit akong producer, nag-produce ako. Yung Bathala Films, akin ‘yon, nai-book ko na yung pelikula. Siyempre, ‘pag maliit kang production, yung booking mo, madadaganan. Kaya ako nagpunta rito. Ayoko na”, saad ni Dante.
Pagdating nga umano niya sa Amerika, ay nakakilala siya ng isang nagmamay-ari ng janitorial services at doon na nga niya pumasok bilang isang janitor sa nasabing bansa. Naibahagi din niya, kung ano ang mga naging karanasan niya bilang isang Janitor. “Binigyan kami ng isang account, ang Chamber of Commerce sa L.A. Kami naglilinis nun. Unang araw namin dun, biruin mo ang laki-laki nung opisina, biruin mo may mop pala silang ginagamit. Ako, kinakamay ko yung dun. Hindi ko nga alam [paggamit ng mop]”, ang natatawa pa ngang kuwento ng dating sikat na action star.
Ilang taon nga ring nagtrabaho sa pagiging janitor si Dante, hanggan sa nailipat umano siya sa pigiging security guard kung saan ito na ang naging trabaho niya hanggang sa siya ay magretiro.
Kuwento naman niya, sa kabila ng pagiging security personnel niya noon ay hindi naman daw siya humawak ng baril, ito nga ay dahil sa ang linya ng trabaho noon ng security ay observe at report lang.
Sa ngayon umano, ay kampante sa simple niyang buhay sa Amerika si Dante, kasama nga ang nabuo niyang pamilya, kung saan ay mayroon na nga rin siyang mga apo. Hindi na rin umano niya hinahanap ang pag-aartista. Aminado naman siya,na tulad ng hindi niya inaasahang makakapasok siya sa mundo ng showbiz at magiging isang aktor,
ay hindi rin niya inasahan na mapupunta siya sa Amerika at doon magkakaroon ng mas kontento at masayang buhay. Humanga naman sina Rufa Mae at LJ sa pagiging isang good boy ni Dante, dahil napag-alaman nila na sa kabila ng pagiging sikat na action star nito noon ay nanatili itong tapat sa kanyang misis.
