Showbiz
Tinaguriang Si “Aling Maliit” Na Si Ryzza Mae Dizon Ibinahagi Ang Malaking Pagbabago Sa Kanyang Sarili

Isa sa mga child star sa telebisyo na kinagiliwan ng maraming mga manonood dahil sa kanyang pagiging isang chubby at bibong bata ay ang batang si Ryzza Mae Dizon. Nagsimula ang career ni Ryzza Mae sa showbiz ng makuha niya ang titulong Little Miss Philippines pageant ng longest noontime variety show ng GMA-7 na “Eat Bulaga”, pitong tao na nga ang nakalilipas.
Mula nga ng siya’y magwagi ng nasabing titulo, ay nagtuloy-tuloy na ang pagbubukas ng maraming mga pintuan sa mundo ng showbiz para kay Ryzza Mae, kahit musmos na bata pa lamang siya noon.
Bumungad agad sa kanya ang kabila’t kanang mga proyekto. Isa na nga sa mga naunang proyekto ni Ryzza Mae ay ng magkaroon ito ng espesyal na pag-ganap sa isang pretihiyosong Metro Manila Film Festival (MMFF).
Dahil nga sa kanyang pagiging isang makulit at bibong bata, hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng kanyang sariling talk show, na tinawag ngang “The Ryzza Nae Show” na napapanood noon sa Kapuso network.
Samantala, sa kabila ng pagiging isang bata pa lamang noon ni Ryzza Mae ay tila napaka-mature na nito magsalita at makipag-usap, kaya naman binansagan ito bilang si “Aling Maliit” sa showbiz.
Ngayon nga ay nagdadalaga ang ating si Aling Maliit na si Ryzza Mae, at siya nga ay 15-taong gulang na. At kung noon ay isang “chubby” na bata ang tingin natin sa kanya, ngayon ay napapansin ng marami niyang mga tagahanga na may naging pagbabago sa pangangatawan nito.
Sa mga larawan ng ani Ryzza sa kanya social media account ay makikita na isa na siyang ganap na teenager, lalo pa nga’t dalaga na ito kung manamit at mag-ayos ng kanyang sarili.
Makikita nga sa IG account ni Ryzza ang madalas niyang pagbibigay update sa kanyang mga tagahanga, lalo na ang mga bagay na patungkol sa kanyang trabaho, mga kinahihiligan o kahit nga ang personal niyang buhay.
Kahit na nga isa ng teenager, ay hindi naman nawawala kay Ryzza Mae ang kanyang pagiging isang bibo, kaya naman hanggang ngayon ay labis pa rin siyang hinahangaan ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.
Mapapansin rin sa mga larawan ngayon ni Ryzza na tumangkad tangka na ito, ngayong siya ay teenager na. Noon kasi na ito’y bata pa ay nakita natin na tila nasa 3-talampakan lamang ang taas nito, at ang kanyang mukha ay talaga namang chubby face. Ngayon nga dahil siya’y nasa teenage stage na, ay tila unti-unti nan gang nagbabago ang kanyang pangangatawan, dahil mas nababawasan na ang kanyang pagiging chubby.
