Connect with us

Entertainment

Tinaguriang “Wais Na Misis” Na Si Neri Naig Muling Pinabilib Ang Mga Netizens Matapos Ibahagi Ang Bagong Investment Na Bahay Sa Baguio

Published

on

Madalas na pinag-uusapan sa social media ang aktres na si Neri Naig, at ito ay dahil sa kanyang pagiging isang “wais na misis”, kung saan ay talaga namang marami sa atin ang kanyang pinabibilib at marami ding mga kapwa nanay niya ang nai-inspire sa kanya dahil sa kanyang pagiging isang misis na hindi lamang mahusay sa pag-aalaga ng pamilya kundi mas lalo na sa pag-pundar ng iba’t ibang mga property at investment.

Isa nga sa mga pinaka-latest na property na naipundar ng misis ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay ang isang bahay sa Baguio, na kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram account, kung saan ito nga ay kanyang tinawag na “the Hillside House” na magsisilbi nga na isa na namang rest house ng kanilang pamilya.

Ayon nga kay Neri, ang nabili niyang bahay na ito sa Baguio ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas nga siyang nagpapabalik-balik sa naturang lugar. Saad pa niya, dalawang buwan na rin halos ang nakararaan ng mabili nila ang nasabing bahay.

Ibinahagi rin nga ng aktres at tinaguriang ‘wais na misis’ na mayroon silang negosyo na magbubukas sa Baguio, at ito nga ay ang kanilang Thai restaurant.
Tunay naman talagang kahanga-hanga at nakakabilib ang pagiging masinop at madiskarte ni Neri. Ikinuwento naman niya kung ano ang naging motibasyon at inspirasyon niya para sa lahat ng mga bagay na tinatamasa niya ngayon.

“For 24 years, nangungupahan lang kami. Walang masasabing ancestral house kahit maliit, kahit nasa probinsya. Kaya palagi akong nagsusumikap kasama ng asawa ko, na makapag ipon para makabili ng mga bahay para sa mga anak namin,” she said.

“Ang pagiging mahirap namin nung bata, ako hanggang sa paglaki, ay naging inspirasyon ko para mas magsumikap sa buhay at nang hindi maranasan ng aming mga anak ang kahirapan namin noon.”
Ayon nga kay Neri ang kahirapan ng buhay na naranasan niya noon bata pa siya ang naging inspirasyon niya upang mas lalo pang magsumikap sa buhay, ito ay upang maibigay nga niya ang maganda at kumportableng buhay sa kanyang mga anak.

Maliban nga sa bahay at negosyon, ay kaya rin madalas si Neri noon sa Baguio ay dahil nag-aral siya ng kursong Business Administration sa University of Baguio at noon nga lamang buwan ng Abril ay masaya niyang ibinahagi sa madla ang kanyang matagumpay na pagtatapos.