Connect with us

Entertainment

Tinaguriang Wais Nanay Noong Dekada 90 Na Si Lumen Ito Na Pala Ang Masayang Buhay Ngayon

Published

on

Marahil ay marami pa rin sa atin ang hindi nakakalimot sa patalastas ng sabong ‘Surf’ noon, kung saan ay isang wais na nanay ang buong pagmamahal na ipinaglalaba ng damit ang kanyang kambal na anak.

Ang naturang nanay nga na nakilala natin noon sa Surf commercial ay walang iba kundi si January Isaac, na gumanap nga bilang ina ng dalawang kambal na sina Charlotte at Charice Hermoso noon ilang taon na ang nakalilipas.

Matatandaan na nga sa naturang patalastas, si Lumen ay kasal sa lalaking nagngangalang Landon ang ina ay instrikto lalo na pagdating sa kalilinisan ng kanyang mga apo. At dahil nga dito ay ang nais niya ay bumili si Lumen ng mga mamahaling sabong panlaba para mapanatiling malinis ang isinusuot ng kanyang mga apo, ngunit dahil nga sa pagiging wais na misis ni Lumen ay pinili niya ang sabong panlaba na Surf.

Umere nga ang patalastas na ito sa iba’t ibang channel sa telebisyon mula taong 1998 hanggang 2015, kung saan isa ito sa mga patalastas sa TV na tumatak sa maraming mga manonood.
Ilang taon na nga nating hindi nasisilayan si Lumen sa anumang patalastas, kaya naman marami ang nais malaman kung ano na nga ang buhay na tinatahak ngayon ng tinaguriang wais na misis noon.

Ayon sa mga ulat, sa ngayon ay masayang namumuhay sa bansang Amerika si January. At kasama niya nga rito an kanyang napangasawa na isang Amerikano na si Wade Bodlovic. Siya ay ikinasal sa kanyang asawa sa Shoreline, Washington noong pang taong 2010, kaya naman mahigit na isang dekada na rin ang kanilang pagsasama.
Nabiyayaan na rin sila ng dalawang mga anak, ito nga ay sina Hunter at Harley.

Makikita naman sa mga larawan ni January sa kanyang socmed account na masaya ang buhay nito ngayon kasama ang kanyang pamilya.
Sa mga detalye pa nga patungkol kay January, ay napag-alaman natin na noong taong 2005 ay nag-aral ito sa School of Richard Brander Acting sa Los Angeles, California, kung saan ay nakapagtapos nga niya ng bachelor’s degree in Production Design.

Maliban pa rito, ay nag-aral din siya ng martial arts, kung saan siya nga ay isa na ring double black belt sa Taekwondo ay Aikido.
Sina Charice at Charlotte naman, ang kambal na naging anak-anakan noon ni January sa patalastas na Surf ay aktibo pa rin hanggang ngayon sa kanilang socmed, at maliban sa kanilang pag-aaral ay abala rin ang kambal sa pagmomodelo.