Connect with us

Showbiz

Tingnan Ang Buhay Ngayon Ng Dating Sexy Actress At Minsan Na Ring Gumanap Bilang “Darna”

Published

on

Noong dekada 90, nakilala at sumikat sa industriya ng showbiz ang sexy-actress na si Anjanette Abayari. Siya ay hindi lamang hinangaan ng marami dahil sa kanyang angking kagandahan, kundi marami rin ang talagang pumapantsya sa dahil sa kanyang napakaseksing pangangatawan.

Bago pinasok ni Anjanette Abayari ang mundo ng showbiz, ay una muna siyang nakilala bilang isang beauty queen. Inihahalintulad sa Welsh actress na si Catherine Zeta, ang kanyang taglay na kagandahan.
Hinirang bilang Binibining Pilipinas si Anjanette noong taong 1991, ngunit hindi siya nakapagpatuloy sa sunod niyang laban, dahil sa nakuwestyon ang kanyang pagiging isang American citizen, kaya naman ang pumalit sa kanya ay si Maria Lourdes Gonzales.

Kahit naman hindi natuloy ang pagsabak sa sunod niyang laban sa beauty pageant, ay bumuhos pa rin ang mga oportunidad para kay Anjanette. Dito na nga nagbukas sa kanya ang mundo ng showbusiness.
Dahil sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan ay isa nga siya sa mga naging sikat na sexy actress noon. Isa sa mga hindi makakalimutang proyekto niya, ay ng gumanap siya bilang ang Pinay iconic superhero na si “Darna” noong taong 1994.

Maliban sa “Darna”, ay marami pa nga siyang naging mga proyekto kun saan ilan sa mga bigating artista sa showbiz ang kanyang nakatrabaho, kagaya na lamang nina Comedy King Dolphy, Edu Manzano, Rustom Padilla, Pilita Corales, Bong Alvarez at Cherry Gil. Samantala, ang magandang takbo nga na karera ni Anjanette ay nabago noong siya ay mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa Guam Airport noong taong 1999. Ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi na siya nakabalik pa sa Pilipinas ng panahong ‘yon, dahil siya ay na-ban na sa bansa.

Muli namang nakabalik ng Pilipinas si Anjanette noong ika-31 ng Oktubre taong 2015, ito ay matapos niyang dumalo ng isang family reunion nila sa Iloilo, kung saan ay kasama din niya ang kanyang dalawang anak na lalaki. Ayon naman sa mga lumabas na ulat patungkol sa dating sexy-actress, napag-alaman nga na ngayon ay isang pastor na kinilalang si Gary Pangan ang panibagong pag-ibig nito, matapos nga niyang mabigo sa mga una niyang nakarelasyon.

Taong 2018 ng ma-engage si Anjanette kay Pastos Gary Pangan, at kitang-kita naman na mahal na mahal nito ang dating aktres, dahil tinanggap nito ng buong-buo ang dalwang anak ni Anjanette na sina Aiden at Ashton. Na-engaged si Anjanette kay Pastor Gary Pangan noong taong 2018, at tinanggap nito ng buong-buo ang dalawang anak nito na lalaki na sina Aiden at Ashton. Tila din mas naging malapit ngayon si Anjanette sa Diyos, at ito ay base na rin sa mga ibinabahagi niya sa kanyang YouTube channel.