Connect with us

Showbiz

Tingnan Ang Buhay Ngayon Sa Ibang Bansa Ni Lady Lee Matapos Niyang Talikuran Ang Kanyang Showbiz Career

Published

on

Ang segment ng GMA noontime show ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines ay isa sa mga palabas sa telebisyon na nagbigay ng oportunidad sa maraming mga batang babae na maipamalas ang kanilang angking talento at magawa ngang makapasok sa mundo ng showbiz.m Isa si Ma. Kristina Edrosa Lee sa mga batang noon ay sumali noon sa Little Miss Philippines. Siya ay nakilala bilang Lady Lee noon ngang magsimula ang kanyang kasikatan, matapos niyang tanghalin bilang 1st runner-up noong taong 1990 sa nasabing segment ng Eat Bulaga.

Magmula nga noon, ay nagsimula na ang pagbubukas ng maraming oportunidad kay Lady Lee, at nagsunod-sunod na nga ang mga natatanggap niyang proyekto. Ilang mga pelikula ang kinabilangan ni Lady Lee, kung saan ay nakasama at nakatrabaho nga niya ang mga bigating artista sa mundo ng showbiz sa Pilipinas.

Siya ay napabilang sa ga pelikula, tulad ng Leon at Tigre na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Rene Requiestas, Shake, R𝔞ttle and Roll IV at Silang Mga Sisiw sa Lansangan na pinagbidahan naman nina Judy Ann Santos at Sunshine Dizon. Tinalikuran ni Lady Lee ang showbiz career niya ng magdesisyon siyang mag-pokus sa kanyang pag-aaral, at ito nga ay noong siya’y labing dalawang taong gulang pa lamang.

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam si Lady Lee ni Rhea Santos sa OMNI Filipino, at dito nga kanyang ikinuwento ang buhay na tinatahak niya ngayon. Nnapag-alaman rin na sa kasalukuyan ay naka-base na siya sa bansang Canada kung saan ay kanya ngang Ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Vancouver ng kursong Culinary Arts dahil isa daw ito sa hilig niya noon pa man.

‘Culinary arts diploma is good for 2 years. So we have pr𝔞ctical ex𝔞ms. I’m really happy and I’m really thankful na dun po ako napunta kasi alam ko po na most of the chefs here in Vancouver, especially po sa Downtown are actually from the school where I am right now,’ kwento ni L𝔞dy Lee sa panayam sa kanya ni Rhea Santos sa OMNI Filipino.

Sa kabila ng hindi madali ang mawalay siya sa kanyang pamilya, ay kailangan nga umanong magtiis ni Lady Lee, lalo na’t para naman ito sa kanilang kinabukasan. Ibinahagi din niya na malapit na rin niyang makasama ang pamilya, sapagkat pinoproseso na rin ang mga papeles ng mga ito patungong Canda.
‘We’re already proc𝔢ssing their papers po para makasunod na po sila.

Kasi gusto ko rin po nilang ma-exper𝔦ence yung dito sa Canada na magkakasama po kami kasi ang hirap din po mag-ar𝔞l ng malayo sa, although andito po yung s𝔦ster ko. Siyempre mas iba po yung kasama ko yung mga an𝔞k ko,’ dagdag pang dat𝔦ng ch𝔦ld st𝔞r.’Minsan parang habang gumagawa ako ng assignment, iniisip ko, nakagawa na kaya ng mga assignments yung mga an𝔞k ko, okay na kaya yung mga ex𝔞ms nila. Yung mga ganun po ba yung hindi ka masyadong maka-focus pero kailangan mo mag-focus kasi para sa kanila itong ginagawa ko eh.’