Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang “First Motorcycle Experience” Ng Aktres Na Si Kim Chiu Kasama Ang Boyfriend Na Si Xian Lim

Published

on

Sa latest vlog ng Kapamilya actress na si Kim Chui ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng naging masayang pamumundok at pamamasyal nila ng boyfriend niyang si Xian Lim sa isang lugar na mayroong magandang view.

Ngunit ayon kay Kim, bago nila narating ang naging destinasyon nila ng kasintahan, ay na-experience niya muna umano sa unang pagkakataon ang sumakay sa motorsiklo ng nakaangkas siyakay Xian. Batid naman ng marami sa atin, na si Kim ay hindi sanay sumakay sa motorsiklo, lalo na nga kung mahaba ang byahe at malayo ang lugar na pupuntahahn.

Ayon nga kay Kim, kahit hindi siya sanay na sumakay ng motorsiklo, “for the Love of Xian”, ay kanya ngang sinabayan ang trip ng kasintahan, sa kabila ng malayo ang magiging byahe nila idagdag pa ang katirikan ng araw.

“Kasi medyo nakakalalaki talaga yung pagmomotor, like pawis init, walang makeup kasi naka-helmet, may face shield. But I did all that, for the love of Xian, I trust Xian.”

Dagdag pa nga ni Kim, ito ang unang pagkakataon na makakasama siya sa outdoor ride ng boyfriend niyang si Xian, at sa kabila ng kaba na kanyang nararamdaman sa magiging pagsakay nga niya sa motorsiklo ay talaga namang sinabayan niya pa rin ang trip ng nobyo para mapasaya ito.
“It’s my first time to do outdoor rides with Xi.”

“Medyo kinakabahan ko, pero gagawin para mapasaya si Xi.”
Habang nasa byahe naman, ay hindi nga napigilan ni Kim ang dumaing ng sobrang init habang sila ay nasa daan, lalo na nga’t anemic siya. Saad niya tila nakaramdam siya ng panghihina sa byahe, at sa karanasan niya sa first time ride niya kasama si Xian ay dun niya napagtanto kung gaano kahirap maging isang motorista.

Sa kabila naman ng naging mainit at mahabang byahe nina Kim at Xian sakay nga ng motorsiklo ng aktor, ay masasabi pa rin ng ni Kim na isang “good adventure” ang kanilang ginawa ng nobyo, lalo pa’t pagdating nila sa kanilang destinasyon ay napakagandang tanawin ang sumalubong sa kanila.

“It was a good adventure for today,after everything, do not give up dahil maganda ang view.”
“Sobrang ganda ng experience, parang buhay lang”, ani Kim.
Hindi lang naman ang naging masayang adventure ng magkasinatahang Kim Chui at Xian Lim ang nakaagaw ng pansin sa marami nilang mga tagahanga, dahil sa naging pamamasyal nilang ito,

ay nakita rin ng mga tagasuporta nila kung paano nila alagaan ang isa’t isa kagaya na lamang ng naging paglagay ni Kim ng sapin sa likod ni Xian, at ang dahan dahan na paglagay naman ni Xian ng helmet sa aktres para siguraduhin ang kaligtasan nito sa byahe nila.