Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Gwapong Gwapo Na Si Kim Atienza Noong Panahong Ng Kanyang Kabataan

Published

on

Si kuya Kim Atienza o mas kilala ng publiko bilang si “Kuya Kim”, ay kilala sa kanyang husay at galing sa pag-aanunsyo ng mga makakatohanang kaganapan sa bansa, maging pagdating sa kaalaman sa siyensa ay talagang hinahangaan rin siya.

Marami ang talagang bilib sa husay at katalinuhan ni Kuya Kim, lalo na kapag nagbibigay kaalaman siya patungkol sa isang bagay na may kaugnayan sa siyensya.Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang hinahangaan nating si Kuya Kim Atienza, ay may itinatago rin angking kagwapuhan, at matikas na pangangatawan noon pang kanyang kabataan.

Nito nga lamang nakaraan, ay nagbahagi si Kuya Kim ng kanyang larawan sa Instagram niya, kung saan ito ay kuha sa bansang New York taong 1987, kaya naman makikita sa mukha nito na batang-bata pa ito, at kahawig niya rin dito ang panganay na niyang anak ngayon na si Jose Atienza.
Kalakip nga ng nasabing larawan ay ang caption nito na;

“1987, NYC. I was Jose’s age. undeniable where you got your looks from.”
Ilang mga netizens naman na nakakita ng larawan na ito ni kua Kim, ang hindi napigilang magbigay papuri sa angking kagwapuhang taglay nito noong kanyang kabataan.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens, patungkol sa batang-bata pa na larawan ni Kuya Kim.“Wow gwapo ni kuya Kim“Awwww di maikakaila kuya Kim ”“Pogi mo po kuya @kuyakim_atienza bagets.”

“Wow kuya kim! I so love love love the hair and your smile!!! ”
“Wow! Kuya Kim I like your picture. Walang nagbago, mula noon hanggang ngayon di po kayo tumanda! Galing baby face pa rin kayo kuya Kim.

Samantala, sa ngayon ay hindi kasama ni Kuya Kim ang panganay na anak na si Jose Atienza, ito ay dahil nag-aaral ito ng kolehiyo ngayon sa Tufts University sa Boston, Massachusetts. Hangad naman nito para sa anak, ang kaligatasan nito at kabutihan nito, lalo na ngayong malayo ito sa kanila.
Maliban pa nga kay Jose, ay may dalawa pang mga anak si Kuya Kim at ang kanyang asawa, at ito nga ay sina Ellana at Emman.