Showbiz
Tingnan Ang Itsura Ngayon Ni Clarissa Ng Comedy Series Na Pepito Manaloto

Ang comedy series na Pepito Manaloto ay isa sa mga inaabangan ng maraming mga manonood sa kani-kanilang telebisyon. Ito ay napapanood sa GMA-7, at pinagbibidahan nga ng Pamilya Manaloto, na kinabibilangan nina Pepito, Elsa, Chito at ang bunso sa pamilya na si Clarissa. Dahil sa tagal na ng naturang serye na ito, at matagal na ngang pagkakasama ng mga karakter dito, ay talaga namang naging malapit na sila sa isa’t isa, at tunay na pamilya na nga kung magturingan.
Taong 2010 ng uang umere sa telebisyon ang Pepito Manaloto, kung saan dahil sa ganda ng estorya nito na patungkol sa pamilya na may halong komedya, ay agad nga itong tinangkilik ng mga manonood kaya naman isang dekada rin ang itinagal nito. Isa sa mga kinaaliwan sa programang ito, ay si Clarissa, maliban kasi sa galing nito sa pag-arte, ay natural din ang kanyang pagiging isang komedyante.
Angel, ang tunay na pangalan ni Clarissa, at bago pa man siya napabilang bilang lead cast sa Pepito Manaloto ay ilang mga proyekto na rin ang kanyang kinabilangan. Siya ay napabilang sa programang Binoy Henyo na pinagbidahan naman ni David Remo. Matatandaan din na siya ay sumali sa Promil Pre-School i-Shine T𝔞lent na isang re𝔞lity based t𝔞lent show na ipinalabas sa GMA-7 noong 2011.
Sa tagal ngang umere ng Pepito Manaloto sa telebisyon, ay nasaksihan na ng marami ang pagdadalaga ni Angel o mas kilala nga natin sa serye bilang si Clarissa. At ngayon nga na nagdadalaga na si Angel, ay may mga pagbabago na nga sa kanyang hitsura. Tumangkad rin siya, at malaki din ang ipinayat ng kanyang katawan.=
Pansamantala namang nahinto ang trabaho ni Angel, ito ay dahil nga sa ipinatupad na guidelines ng DOLE [Dept. of Labor Employment) sa panahon ng krisis, kung saan upang masiguro nga ang kaligatasan ng mga bata na edad 17 taong gulang pababa, ay hindi muna pinapayagan na lumabas ng bahay ang mga ito.
Habang hindi pa nakababalik sa kanyang trabaho, ay abala ngayon si Angel sa kanyang socmed.
Para sa kaalaman ng lahat si Angel ay Big fan ng South Korean b𝔬y band na BTS kaya noon lamang buwan ng Hulyo ay bumisita siya sa Japan para makapunta sa BTS ‘The Best’ Japan Exhibition, at doon nga ay bumili siya ng BTS Pop-Logo Puff, BTS Pop-UP Map Of The Soul Photo Stand + Photocards, BTS Reusable Tumbler, BTS F𝔦le Bl𝔬ck at marami pang iba.
