Connect with us

Showbiz

Tingnan Ang Mala Diwatang Kagandahan Ng Aktres Na Si Barbie Imperial

Published

on

Binigyang katuparan ng aktres na si Barbie Imperial ang kanyang fairy tale dream noong kanyang kabataan sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan noon lamang nakaraan.
Sa Instagram account ni Kapamilya actress Barbie Imperial ay kanyang ibinahagi ang mga nag-gagandahan niyang larawan na kinunan para sa kanyang kaarawan. At makikita nga sa bawat larawan na kung paanong ang noon ay pantasya lamang niya na maging isang prinsesa at diwata ay tila kanyang binigyang buhay.

Makikita sa mga naggagandahang larawan na ibinahagi ni Barbie ang inilakip niya rito na mensahe, kung saan kanya ngang inihayag na noong kanyang kabataan ay pangarap na niya ang maranasan ang maging isang diwata o prinsesa kagaya ng mga napapanood niya at nababasa niya sa mga fairy tale story o movies.

Ibinahagi rin ni Barbie, na ang bawat pangarap imposible man sa tingin ng karamihan, ay maari pa ring maging posible lalo na kung ito’y iyong pagsusumikapan na makamtan.
Labis naman na ikinamangha ng maraming netizens ang kagandahan ng naging birthday photo shoot ni Barbie na kanya ngang ibinahagi sa Instagram account niya. Tila nga ang Kapamilya actress ay naging isang tunay na diwata at prinsesa dahil sa napakagandang pagkaka-ayos sa kanya, idagdag pa ang naging pagkakaayos sa kapaligiran kung saan kinunan ang kanyang larawan na binase nga sa kanyang tema na fairy tale.

Ayon kay Barbie, kahit siya ay namangha sa kanyang mga larawan, lalo na’t tila nga tunay na siya’y napunta sa ibang dimension ng mundo kung saan namumuhay ang mga diwata dahil sa ganda ng naging pagkakaayos ng lugar na pinuno nga nga magagandang bulaklak tulad ng rosas, kaya naman naging mala-pantasya talaga ito tingnan. Talaga namang sobrang naligayahan si Barbie sa naging magandang resulta ng kanyang birthday photo shoot.

Kung noon nga ay pantasya at nasa panaginip lamang ng Kapamilya actress ang maging isang diwata at prinsesa, ngayon nga ay nabigyan na niya ito ng katuparan at naranasan na niya sa kanyang buhay.
Samantala, bumuhos naman ang pagbati para kay Barbie sa kanyang kaarawan, karamihan sa mga bumati sa aktres ay kanyang mga kapamilya, kaibigan sa industriya, mga tagahanga at dating kasamahan sa Pinoy Big Brother house kung saan naging isa siyang housemates.