Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Mga Masasayang Sweet Bonding Moments Ni Sugar Mercado At Kanyang Mga Anak

Published

on

Noong taong 2017 ay matatandaan na naitampok sa GMA documentary show na “Tunay na Buhay” ang istorya ng buhay ng dating SexBomb dancer at Eat Bulaga dabarkad’s na si Sugar Mercado. Sa programa ngang ito ay ipinakilala ni Sugar ang kanyang dalawang anak na sina Gabrielle at Olivia.

Lingid naman sa kaalaman ng marami, na mag-isang itinataguyod ni Sugar ang kanyang dalawang anak, ngunit kahit na nga isang ‘single mom’ ay masasabi ngang kontento at masaya si Sugar sa buhay niya kasama ang mga anak niya.

Tulad ng tipikal na mag-anak, hilig din ni Sugar at ng dalawa niyang anak ang mag-travel, at kadalasan ay makikita rin sa mga ibinabahagi niyang larawan sa kanyang social media account ang madalas nilang pagsi-swimming sa mga beach, dahil sa ito ay talagang gustong gusto ng kanyang mga anak.

Kitang-kita din sa ilan pang mga larawan ni Sugar at ng kanyang dalawang anak na ang pagti-twinning outfit ay isa sa mga madalas nilang gawin. May larawan pa nga ang mag-iina na sila ay nag-mirror selfie na talaga namang cute na cute ang kanilang mga pose.

Samantala, sa kabila naman ng pagiging abala ni Sugar sa mga trabaho niya sa telebisyon, ay sinisigurado niyang nakapaglalaan siya ng sapat na oras sa dalawa niyang anak, lalo na nga pagdating sa pag-ga-guide niya sa pag-aaral ng mga ito.

Ang intimate mother and daughter bonding nga umano ni Sugar at ng kanyang dalawang anak ay ang pagbabasa ng Bible stories.Katulad naman ng maraming mga ina, para kay Sugar ay ang dalawa niyang anak ang pinakamagandang biyaya na kanyang natangggap sa buhay niya mula nga sa Poong Maykapal. Hindi nga lamang ginampanan ni Sugar ang pagiging isang ina at ama sa mga anak niyang sina Gabrielle at Olivia, dahil maliban pa dito, ay siya din ang paboritong playmate ng kanyang mga anak.

Dahil nga sa pagiging isang mapagmahal at maarugang ina ni Sugar sa kanyang mga anak, gaano man siya kaabala, ay talaga namang naging malapit siya sa mga ito. Sa mga larawan nga nilang mag-iina ay makikita kung gaano ka-sweet sa kanya ang mga anak niya.

Bilang isang single mom na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay para sa dalawa niyang anak, ay masasabi nga naman natin na isang ‘super mom’ si Sugar Mercado, at tunay na nakakabilib ang pagmamahal at pag-aaruga na kanyang ibinibigay sa dalawa nyang anak.