Showbiz
Tingnan Ang Mga Nagagandahan At Nagseseksihang Larawan Ng Aktres Na Si Cai Cortez

Isa sa mga hinahangaang personalidad ngayon sa mundo ng showbiz ay ang aktres at komedyanteng si Cai Cortez, hindi lang dahil sa angking talento at husay niya sa pag-arte kundi dahil na din sa kanyang big and bold aura, idagdag pa ang taglay niyang confidence. Kabilang rin si Kai sa mga role model pagdatingsa ‘body positivity’.
Taong 2009 ng magsimula ang karera ni Cai Cortez sa industriya ng showbiz, at lingid sa kaalaman ng marami sa atin na hindi na nakapagtataka na may angking husay siya sa pag-arte dahil ang kanyang ama na si Rez Cortez ay isa ngang kilalang beteranong aktor.
Pagdating naman sa kanyang personal na buhay sa labas ng showbiz ay isang mapagmahal na asawa si kau sa kanyang mister na si Wissem Rkhami at mapag-arugang ina sa kanilang mga anak na sina Bibo at Carmen. Samantala, sa kabila nga ng big bold awra ni Cai ay talaga namang marami ang humahanga sa kanya dahil sa angking husay niya na dalhin ang kanyang sarili at sa galing niyang magdala ng pananamit kahit nga may kalakihan ang kanyang pangangatawan.
Si Cai ay isa nga ngayon sa mga aktres at komedyante sa mundo ng showbiz na nagbibigay inspirasyon sa marami na kahit ano pa ang hugis ng iyong pangangatawan ay kailangan mong mahalin ito at maging confident dito. Kung bibisitahin natin ang mga larawan ni Cai sa kanyang social media account ay makikita nga natin ang kanyang mga nagagandahan at nagseseksihang mga larawan. Sa kabila nga ng pagkakaroon niya ng malaking pangangatawan ay hindi ito naging hadlang kay Cai na hindi magkaroon ng sexy body figure, at ito ay sa pamamagitan ng tamang paghahanap ng mga kasuotan na talagang babagay sa kanyang katawan.
Kabilang sa mga larawan niya na talaga namang napaka-diyosa yang tingnan ay ang nakasuot siya ng sexy swim wear na kulay may pagkafloral ang bottom shorts at plain yellow naman ang kulay ng sexy top nito. Isa pa sa kanyang sexy photo ay ang nakasuot naman siya ng one-piece swim wear habang naka-pose sa isang punong kahoy.
Sa caption nga ng larawan ay inihayag ni Cai kung gaano siya ka-proud sa kanyang sarili sa kabila ng ‘flaws’ niya. “Due to insistent public demand…eto na po ang entry ko. YES WALA PONG RETOUCH! I. AM. SEXY. I am a woman, I am a mother of two, I have flaws and WALAKOMPAKE because I love the body that God has given me.” “Body confidence doesn’t come from trying to achieve the perfect body. It comes from embracing the one you’ve already got.”
