Showbiz
Tingnan Ang Mga Naggagandahang Throwback Photo Ni Sharon Cuneta

Kamakailan lamang ay tila inihayag ni Mega Star Sharon Cuneta ang muli niyang pag-alaala sa panahon na bata pa ang panganay niyang anak na si KC Concepcion, ito nga ay matapos niyang magbahagi ng throwback picture nila ng anak. Sa Instagram ni Mega Star ay makikita nga ang naging pagbabahagi niya ng isang throwback na larawan kung saan ay masisilayan dito ang kanyang kabataan dahil tunay namang napaka-sexy niya pa sa larawan at batang-bata pa siya.
Sa naturang larawan ay nakasuot nga si Sharon ng one-piece bathing suit na kulay black na may print na tila rainbow, at makkita nga na karga niya ang anak niyang si KC na pareho rin niyang naka bathing suit, ngunit ito naman ay kulay sky blue. Kita naman sa larawan na ngiting-ngiti si Mega Star, subalit ang karga nga niyang anak na si KC ay tila hindi napansin na kinunan sila ng larawan sapagkat ito’y hindi nakatingin sa kamera.
“Mama and baby KC @kristinaconcepcion”, ito nga ang captionni Sharon sa kanyang post kung saan ay makikita ngang na-mention niya ang panganay niyang anak. Mahahalata naman na maraming netizens ang kinagiliwan ang pagbabahagi ni Mega Star ng throwback picture nila ng kanyang anak na si KC, ito ay dahil isang araw pa lamang ang lumipas matapos itong i-post ni Mega Star ay agad na nga umabot ang ‘likes reaction’ nito sa 52,883.
Marami naman sa mga nakakita sa larawan ang talagang napansin ang kagandahang taglay ni Sharon. Ang iba ngang mga netizens ay hindi napigilan ang magbigay ng komento ng papuri nila sa Mega Star at ang iba naman ay muling inalala ang mga panahon ng pagkadalaga ng hinahangaang mang-aawit at aktres.
“Share ko lang: When I was high school ang naging sukatan ng beauty noon ay beauty ni Sharon. Kapag may bagong transferee sa aming school ganito ang usapan. Hoy ang ganda ng transferee, kamukha ni Sharon Cuneta”, ang naging saad ng isang netizens. “Walang kupas ang kagandahan mo po idol, sana po mapansin ninyo ako”, ani naman ng isa pang netizens.
“Wos, this photo isa raw and beautiful”, ang saad pa ng ilang netizens. Isa sa mga hinahangaan, sikat at popular na Filipina actress, singer, television host at isang socialite si Sharon Cuneta. Isa din siya sa mga highest earning individual sa Philippine entertainment industry, dahil na rin sa kanyang napakaraming pelikula, TV shows at albums na nagawa. Sa kanyang kasikatan at husay na talentong taglay, ay humakot din siya ng napakaraming mga awards bilang isang host, aktres at recording artist, kagaya na lamang ng ilang mga awards na nakuha niya sa FAMAS, MMFF at sa AWIT Awards.
