Connect with us

Showbiz

Tingnan Ang Mga Nakakakilig Na Litrato Nina Belle Mariano At Donny Pangilinan

Published

on

Isa sa mga rising love team na nagbibigay kilig ngayon sa maraming mga manonood dahil sa kanilang natural na ‘chemistry’ sa isa’t isa ay ang sikat at bagong tambalan ngayon na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Ang kanilang tambalan ay kinakiligan ng publiko, ng ipamalas nila ang husay nila bilang isang loveteam sa pinagsamahan nilang proyekto na “He’s into Her” ng Wattpad series.

Sa kabila nga ng apat na taong agwat sa isa’t isa nina Belle at Donny, ay nagawa pa rin nilang bigyang buhay ang tambalan nila, at magbigay kilig nga sa maraming mga manonood sa pinagbibidahan nilang proyekto. Naging kaabang-abang nga sa marami an bawat episode ng Wattpad series na He’s Into Her, dahil sa talaga namang damang-dama ang ‘chemistry’ ng dalawa.

Samantala, maliban nga sa kanilang kaabang-abang na serye ay muling kinakiligan ang tambalang DonBelle. Ito ay matapos nga nilang magphotoshoot para maging cover ng Metro Magazine na ilalabas para sa isyu nito ngayong buwan ng Hulyo.

Ang photoshoot nga na ito na ginawa ng dalawa para sa cover ng Metro Magazine ay ang kauna-unahang pagsasama nila bilang isang opisyal loveteam. Kahit naman bago lamang na mag on-screen partner sina Belle at Donny, ay naging kahanga-hanga ang ipinakita nilang pagiging natural sa isa’t isa at hindi nga mahahalata sa kilos nila na baguhan lamang silang loveteam sa industriya ng showbiz.

Nang magkaroon ng panayam ang Metro Magazine kana Belle at Donny, ay ibinahagi ng dalawang rising star, kung ano nga ba ang tingin nila sa kanilang mga karakter sa serye nilang He’s Into Her. Ayon sa kanila, sa karakter nga na kanilang ginampanan at sa naging istorya ng proyekto nilang ito ay may mga bagay silang natutunan.

Pahayag ni Donny, ay talagang tumatak sa kanya ang sinabi ng direktor nilang si Direk Chad.
“I love what Direk Chad said. Love doesn’t choose. It doesn’t choose a specific age, a specific person. It happens to everyone, which is why a lot of people, even if you’re not in high school lihe “He’s into Her”, ani Donny.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Belle, sapagkat sa kabila ng pressure nila, at kahit baguhan pa lamang ang tambalan nil ani Donny ay naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanilang dalawa.
“There was pressure at first. Siyempre, kailangan naming maabot ‘yung expectations nila, and knowing that the series is somehow a bit far from the book, may pressure. I’m glad and I’m really thankful that everyone liked it. I’m really thankful that everyone liked it. I’m really blessed to be a part of this project”, pahayag ni Belle.