Showbiz
Tingnan Ang Mga Throwback Photo Ng Aktres Na Si Jackie Lou Blanco

Summer na! marami na naman ang mga nagtutungo sa mga beach at pool resort, ito ay upang maibsan ang nararamdaman nilang alisangan at init dala ng tag-init na panahon. At siyempre hindi mawawala ang mga OOTD outfit kapag nagtutungo sa mga magagandang summer destination, kagaya na lamang nga ng mala-paraisong ganda na isla tulad ng Boracay at Palawan na madalas ngang puntahan ng marami sa atin kapag ganitong summer season.
Samantala, kaugnay rito, ang aktres na si Jackielou Blanco ay nagbahagi nito lamang nakaraan ng kanyang throwback photo niya noong siya ay 14-taong gulang pa lamang. Makikita sa larawan na ito ang pagiging summer ready ng aktres, at ang kanyang taglay na kagandahan at kaseskihan noon ngang kanyang kabataan. Nakasuot kasi si Jackielou ng two-piece swimsuit sa naturang larawan at ito naman talaga ay bagay na bagay sa kanya.
Ayon sa post ng aktres, ang naturang larawan ay kuha nga sa naging bakasyon nila noon kung saan kasama niya ang kanyang ina na si Pilita Corrales at kapatid na si Monching, at nang mga panahon nga na ito ay nasa edad 14 pa lamang siya.
“Carefree at 14!… at the end of the day I try to remember to be grateful for all the lessons learned along the way and to cherish every moment spent with family”, kuwento ni Jackielou.
Hindi lamang naman ito ang throwback photo na ibinahagi ni Jackielou sa kanyang social media account na kinakiligan ng mga netizens lalo na ng kanyang mga tagahanga, dahil mayroon pa nga siyang larawan na ibinahagi kung saan naman makikita ang malaking pagkakahawig niya sa kanyang mommy Pilita.
“Me in my first year high school”, ang naging saad naman ng aktres sa naturang larawan.
Ang ina ni Jackielou na si Pilita Corrales ay isa sa mga hinahangaan din noon ng marami na aktres at mang-aawit sa mundo ng showbiz.
Makikita sa larawan na ito ni Jackielou ang kanyang simpleng kagandahan, sapagkat wala nga siyang anumang makeup o postura sa nasabing throwback photo na kanyang ibinahagi, kung saan ayon nga sa kanya ay kuha noong siya ay high school pa lamang.
Sa kasalukuyan ay nanatili pa ring kilala sa mundo ng showbiz si Jackielou, at paminsan-minsan nga ay nasisilayan pa rin natin sa ilang mga palabas sa telebisyon. Mayroon na ring sariling pamilya ngayon ang aktres. Sa huli ay may naging mensahe naman ang aktres para sa kanyang sarili. “If I had a chance, I would tell myself to just enjoy and be open to new experience”, ani Jackielou.
