Showbiz
Tingnan Ang Nagiging ‘Ice Bath’ Routine Ni Matteo Guidicelli Pagkatapos Sumabak Sa Mabigat Na Workout

Pagdating sa pagkakaroon ng maganda at makisig na pangangatawan ay isa ang Kapamilya actor at asawa ni Pinoy pop princess Sarah Geronimo na si Mateo Gudicelli ang isa sa mga hindi mahuhuli sa listahan. Si Mateo Guidicelli ay hindi nga lamang nakilala ng publiko dahil sa kanyang husay sa pag-arte, kundi marami rin ang umiidolo sa kanya pagdating sa pagkakaroon niya ng makisig at malusog na pangangatawan. Makikita nga naman sa mga ginagawang workouts ni Mateo na ibinahagi niya sa kanyang social media account na talagang madalas niyang ginagawa ang pagwp-workout upang mapanatili ang pagiging fit ng kanyang katawan.
Ang sikreto ni Mateo sa pagkakaroon niya ng malusog at makisig na pangangatawan ay ang pagkain ng masusutansyang pagkain o ‘balance diet’ at ang ginagawa nga niyang araw-araw na pag-e-ehersisyo.
Samantala, maliban pala sa mga ito, ay may isa pang kamangha-manghang routine na ginagawa si Mateo pagkatapos niyang sumabak sa mabigat na workout, at ito nga ay ibinahagi nito lamang nakkaraan ng aktor.
Sa Instagram ng aktor ay kanyang ibinahagi ang kakaibang routine na ginagawa niya pagtapos niya sumabak sa mabigat na workout, kung saan ito nga ay ang paglubog ng kanyang buong katawan sa isang drum ng tubig na puno ng yelo o kung tawagin nga ng aktor ay ‘Ice bath’.
Pagbabahagi ni Mateo, nakakatulong umano ang pag ‘ice bath’ niya sa pag-recover ng kanyang katawan matapos niyang mag-intense workout. Noon nga umano ay tumatagal lamang siya ng 1-minuto rito, ngunit ng malaman niya ang tamang proer breathing at relaxation technique ay nagagawa na nga niyang makatagal dito.
Makikita nga ang video na ibinahagi ni Mateo sa kanyang IG kung saan siya ay nakalubog sa isang drum na puno ng yelo, at ito ay kanyang nilakipan ng caption na; “I started with 1-minute, I’ve worked my way up to 10-minutes in here, with proper breathing at relaxation techniques. At first it hurt physically and mentally but that’s the whole point of it, to embrace the pain. I try to do the ice bath every day after our intense workout sessions to recover my body for the next day session. #stayhard.”
Tunay namang nakakabilib ang ginagawang workout na ito ni Mateo, lalo na’t tila nga bibihira ang gumagawa nito. Hindi naman naiwasan ng mga netizens na bumilib sa aktor. “Nice one bro” “May nanalo na sa challenge.. Take care pa rin.” “Wow amazing tips, keep it up MATEO 😊”
