Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Naging Masayang ‘Trip to Hollywood’ sa Bansang Amerika ng Pamilya Kramer

Published

on

Magmula nga ng sumiklab ang krisis sa ating bansa ay marami sa atin ang noon ay madalas na nagta-travel abroad ang hindi ito nagawa sa panahon ng krisis. Kaya naman ngayon na maayos ayos na at tila nga balik normal na sa ating kapaligiran at tila safe na din ang mag-travel abroad, ay marami na naman nga sa ating mga kababayan ngayon ang hindi pinalampas ang pagkakataon na magawa ang mag-travel kasama ang kanilang mga kapamilya o di naman kaya ay mga kaibigan.

Ang Pamilya Kramer na kinabibilangan nina Cheska Garcia, Doug Kramer at mga anak nilang sina Kendra, Scarlet at Gavin ay kabilang lamang nga sa mga pamilya na noong panahon ng krisis ay hindi nagawang lumabas at nanatili lamang sa loob ng kanilang tahanan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan. Ngunit batid naman nating lahat na bago pa ang krisis, ay talagang madalas na mag-travel ang pamilya sa loob o labas man ng bansa [Pilipinas].

Kaya naman ngayon na maayos na at tila okay na nga ang mag-travel, ay hindi nagpatumpik tumpik pa ang pamilya, at kamakailan nga lamang ay nag-travel patungong Amerika kung saan ay nagkaroon sila ng isang masayang bakasyon. “Bye Philippines, layas muna kami sandali”, ito nga ang inihayag ni Doug Kramer sa kanyang Instagram post kamakailan lamang.

Samantala, nagbigay kilig naman ang mag-asawang Cheska at Doug ng ibahagi nila sa social media ang ilan sa mga nakakakilig nilang larawan ng sila ay bumisita sa Hollywood, ito ay matapos nga nilang magpakuha ng larawan doon na sinasabi ngang iconic Hollywood Kiss.

Makikita rin sa ilang mga larawan ang naging pagba-bonding ni Cheska sa kapatid ng kanyang mister na si Karl Kramer. Siyempre hindi rin nagpahuli ang mga anak ng mag-asawa, dahil kitang kita nga sa ibang larawan kung gaano nag-enjoy ang magkakaptid na sina Kendra, Scarlet at Gavin sa pagpapakuha ng mga larawan sa iba’t ibang mga magagandang tanawin na kanilang pinuntahan sa Hollywood.

Kapansin-pansin naman na ang mga anak na babae ng mag-asawang Cheska at Doug na sina Kendra at Scarlet ay talaga namang hindi na mga bata ngayon, kundi makikita na sa kanila ang pagiging mga magagandang dalaginding at hindi naman ito nakapagtataka dahil parehong lahi ng kagwapuhan at kagandahan ang kanilang mga magulang.

Maliban pa nga sa pagbisita sa Hollywood, ay nagtungo rin ang pamilya Kramer sa isa sa mga sikat na fast-food chain sa California. Ipinasilip rin nga nila ang isang napakagandang tahanan na kanilang tinuluyan sa ilang araw nilang pamamalagi sa nasabing bansa.