Inspiring
Tingnan Ang Naging Pagtatapos Ng Master’s Degree Ni Dating Aktres G Toengi Sa Ibang Bansa

Hindi nagpahuli ang dating aktres na si G Toengi na ibahagi ang kanyang isa na namang tinamasang tagumpay sa kanyang buhay, at ito nga ay ang kanyang naging pagtatapos ng kanyang master’s degree sa ibang bansa.
Kamakailan nga lamang sa Instagram account ng dating aktres ay kanyang ibinahagi ang panibagong achievement niya sa kanyang buhay, na talaga namang kanyang ikina-proud. Kasabay pa nito ay ang naging pagpapakita rin niya ng kanyang graduation photo, at virtual graduation video, na patunay nga na siya ay nakapagtapos na ng kanyang master’s degree sa isang unibersidad sa bansang Amerika.
Ang natapos ngang master’s degree ni G Toengi ay Nonprofit Management sa Antioch University sa Los Angeles, California noon ngang ika-28 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Kalakip pa ng mga larawan na ito na ibinahagi ng dating aktres ay ang kanyang naging paglalahad na talagang hindi niya inasahan na sa kabila ng pagkakaroon ng malaking hamon ngayon sa ating mga buhay dahil sa pagkakaroon ng [email protected]!c ay matagumpay pa rin siyang makapagtatapos ng kanyang master’s degree.
“Graduate school in [email protected] was certainly unexpected and challenging but somehow here we are…. We made it to the finish line!”, saad ng dating aktres. Hindi rin naman nawala sa mensahe ng dating aktres, ang kanyang pagbati para sa mga kapwa niya mag-aaral at kamag-aral na matagumpay ngang nakapagatapos ngayong taon ng kanilang degree. “Congrats to all the @antiochuniversityla graduates on our accomplishment! Am oroud to myself to be amongst you all”¸ dagdag na saad pa ni Giselle.
Pinasalamatan din niya ang mga taong sumuporta sa kanya, una na nga rito ang kanyang pamilya.
“Salamat! (Thank you) to my family for all your love & support! #classof2021 #gradschool #cetfifiednonprofitprofessional swipe left to see how our virtual commencement went down.”, saad pa niya.
Dagdag pa niya, “Looking towards the horizon as I add this humbling milestone under my belt.”
Mas naging positibo pa nga ngayon sa kanyang buhay si G Toengi , dahil alam niya na mas lalo pang magiging malawak ang kanyang kaalaman at mas magiginng matatag pa siya sa lahat ng mga hamon sa buhay na maaring dumating.
