Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Napaka-Sweet Na Mensahe Ni Aiai Delas Alas sa Kanyang Asawa Para Sa Pagdiriwang Ng Kanilang Ika-7 Taong Anibersaryo Ng Kasal

Published

on

Ang comedienne actress na si Aiai Delas Alas at ang kanyang non-showbiz husband na si Gerald Sibayan ay isa sa mga mag-asawa na talaga inaabangan ng kanilang mga tagahanga ang napakasaya nilang buhay pag-ibig.

Parang kailan nga lamang ng ikasal ang dalawa, at ngayong taon ngang 2021 ay ipinagdiwang na nila ang kanilang ika-7 anibersaryo ng kasal, ano ang ibig sabihin ng lamang ay patuloy na nagiging matatag ang kanilang pagsasamang mag-asawa.

Noon ngang nakaraang ika-12 ng Abril, araw ng Lunes taon ng kasalukuyan ay ipinagdiwang na nina Aiai at asawa niyang si Gerald ang kanilang 7th wedding anniversary. At sa espesyal na araw nga na ito sa kanilang pagsasama ng mag-asawa,

ay isang simple ngunit napakatamis na mensahe ang inihandog ng comedienne actress para sa kanyang mister, upang ipadama pa lalo dito kung gaano siya kasaya sa buhay niya ngayon kapiling ito at kung paano niya ito kamahal.

“Habang buhay kitang mamahalin. Maligayang 7 taong pagsasama aking darling …. Literal na maligaya”, ang naging pagbabahagi nga ni Aiai sa kanyang IG. Kalakip na naman ng mensahe nang ito ay ang isang video kung saan ay ang nilalaman ay ang mga larawan nila ng kanyang asawa na makikita nga ang masaya at matamis nilang pagsasama at pag-iibigan.

Ang mga larawan nga ng mag-asawa na makikita sa video na ibinahagi ni Aiai at maging sa kani-kanilang social media account ay nagpapakita lamang na masaya at punong puno pa rin ng tamis at kilig ang kanilang buhay mag-asawa at nanatiling masaya ang kanilang pagsasama.

Sa kabilang banda naman ay makikita rin ang naging mensahe noi Gerald Sibayan para kay Aiai, kung saan ay kalakip pa ng kanyang naging post ay ang hashtag na #7thYearAnniversary #412 at #7/7.
“Happy 7Th anniversary, my forever date. I love you so much, Darl”, ang naging pagbating mensahe nga ni Gerald sa asawang komedyanteng actress.

Masaya naman ang mga tagahanga ni Aiai at mga netizens para sa mag-asawa, at ang iba nga ay nagbigay pa ng kanilang mga komento ng pagbati at kahilingan nan away mas maging matibay pa ang pagsasama ng mga ito.