Connect with us

Showbiz

Tingnan Ang Napakagandang Mata Ng Anak Ni Diana Zubiri

Published

on

Si Diana Zubiri ay isa sa mga aktres na hinahangaan ng marami hindi lang dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na artista kundi dahil din sa kanyang kahanga-hangang ganda at kabighabighaning kaseksihan. Dahil sa kanyang angking husay sa pag-arte ay nabigyan ng pagkakataon noon si Diana na gampanan ang isang pambihirang karakter sa isang sikat na palabas noon sa GMA-7 network, ito nga ay ang fantaseryeng ‘Encantandia. ‘ sa nasabing fantaserye ay ginampanan ni Diana ang pagiging si “Sangre Danaya” na talaga namang tumatak sa madla dahil sa naging mahusay niyang pagbibigay buhay sa karakter nito.

Matapos nga ang ilang mga bigating proyekto ni Diana, ay nagdesisyon siyang lisanin ang mundo ng showbiz. Ito ay dahil nais niyang magkaroon ng payapa at simpleng buhay kasama ang kanyang asawang si Andy Smith at ang kanilang mga supling. Ang tamis ng pagmamahalan ng mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang magagandang supling, at ito nga ay sina Alliya Rose na siyang panganay, at si Amira Jade naman ang bunso.

Samantala, pumukaw naman sa atensyon ng marami ang bunsong anak ni Diana, maliban kasi sa taglay nitong kakyutan ay kahanga-hanga rin ang ganda at kulay ng mga mata nito. Ang kulay kasi ng mata ni Baby Amira ay light gray, at kadalasan ngang ito ang unang napapansin sa kanya ng mga tao. Marami naman ang talagang humanga sa magandang kulay ng mga mata ni Baby Amira lalo na nga ng magbahagi ng mga kyut na larawan niya ang kanyang mga magulang sa social media. Agad ngang humakot ng paghanga mula sa mga fans ang mga larawan ng kyut na supling ni Diana.

Isa sa mga larawan ni Baby Amira na talaga namang humakot ng paghanga mula sa mga netizens ay ang larawan niya kung saan makikita ang napakagandang light gray niyang mga mata ng ang mga ito nga ay nasisinagan ng araw.

Maliban sa mga netizens ay napansin rin ito ng mga kapwa celebrity ni Diana, at marami nga sa mga ito ang talagang nakyutan kay Baby Amira at nagandahan sa light gray na mata nito. Ilan nga sa mga celebrity na nagpaabot ng paghanga sa magandang mga mata ni Baby Amira ay sina Kim Rodriguez, Iwa Motto, Jessa Zaragoza at marami pang iba. Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens na labis na nakyutan sa bunsong anak ni Diana.