Showbiz
Tingnan Ang Napakalaki At Napakagandang Pagbabago Ni Miles Ocampo

Sa mundo ng showbiz, isa si Camille Tan Hojilla sa nakabuo na ng kanyang sarili pangalan. Siya ay mas kilala natin sa kanyang screen name na Miles Ocampo, isang mahusay na aktres, singer, writer at model.
Bata pa lamang ng pasukin ni Miles ang industriya ng showbusines, at ito nga ay ng mapabilang siya sa defunct kids gag show ng ABS-CBN na “Goin Bulilit” kung saan ay kanya ngang nakasama roon ang ilan sa mga bigatin ng mga aktres ngayon tulad na lamang nina Julia Montes, Jane Oineza at Kathryn Bernardo.
Kahit naman nakagawa na ng sarili niyang pangalan bilang isang aktres si Miles, ay isa rin siya sa mga nangangarap na magkaroon ng malaking break sa kanyang showbiz career, kung saan mas maipapamalas pa nga niya sa lahat ang kanyang husay at galing sa larangan ng pag-arte.
Tila naman ngayon ay unti-unti ng isinasakatuparan ni Miles ang pangarap niyang ito, matapos niyang i-anunsyo kamakailan lamang ang ‘new chapter’ ngayon ng kanyang karera at ito nga ay sa ilalim ng bagong talent agency na humahawak na sa kanya.
Noon nga lamang ika-5 ng Marso ay proud na ibinahagi ni Miles na ngayon ay nasa pangangalaga na nga siya ng talent agency na pagmamay-ari ng Kapuso actress na ngayon na si Maja Salvador, ito nga ay ang Crown Artist Management. Matatandaan na ang aktor na si John Lloyd ang unang nagbahagi na siya ay nasa pangangalaga na rin ng nasabing talent agency.
Kasabay nga ng magandang balita na ito ng aktres sa marami niyang mga tagahanga, ay ipinamalas rin ni Miles ang kanyang husay sa pagsasayaw ito ay matapos niyang ipasilip ang kanyang dance video ng ‘woman’ ni Doja Cat, kung saan ay talaga namang hataw talaga ang kanyang ginawang pagsasayaw.
Sa bagong yugto nga na ito ng karera ni Miles ay nakuha naman niya ang suporta ng marami, at maging ng mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga showbiz personality na proud para sa new journey ng career ni Miles.
“So proud!!!!!”, saad ni Dimples Romana “Haaaaaayyyyy ang gandaaa gandaaa!!!!!Congratulations!!!! Love you!!!!”, komento ng aktres na si Sue Ramirez. “I LOVE THIS!!!”, ani naman ni Kathryn Bernardo.
“Ganda!!!! Galing mo woman Miles!!!”, ang naging say naman ni Chinita Princess Kim Chiu.
Kasalukuyang mapapanood natin si Miles ngayon sa sitcom ng GMA-7 na “Happy Together” kung saan ay kasama niya ang aktor na si John Lloyd Cruz. Matatandaan na noon ay nagkasama na rin sa isang sitcom ang dalawa, ito nga ay sa “Home Sweetie Home” noon ng ABS-CBN, ang huling proyekto ni JLC sa nasabing network, kung saan ay nakasama naman nila ang TV host actress na si Toni Gonzaga.
