Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Simple Ngunit Masayang Pagdiriwang Ng Ika-2 Taong Kaarawan Ng Anak Nina Marian Rivera At Dingdong Dantes

Published

on

Sobrang bilis nga naman ng panahon, parang kailan lamang ng magsimulang maranasan ng ating bansa ang krisis dulot ng krisis, na hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin natin kinakaharap. Halos dalawang taon nan gang tumatagal ang krisis ating kinakaharap, kaya naman marami sa atin ang dalawang tao na ring nagdiriwang ng kaarawan sa panahon ng quarantine.

Ngunit kahit naman patuloy tayong kumakaharap sa krisis na dulot ng krisis sa ating bansa, ay may mga bagay pa rin naman na dapat nating ipagpasalamat at maging dahilan para tayong patuloy na maging masaya at huwag mawalan ng pag-asa. At ito nga ay ang ang pagdating ng araw ng kaarawan ng isang tao, na nagsasabi lamang kung gaano ito ka-blessed.

Samantala, isa nga sa muling nagdiwang ng kaarawan sa panahon ng quarantine ay ang ikalawang anak ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Baby Ziggy o sa tunay nga nitong pangalan ay si Jose Sixto IV.

Noon ngang ika-16 ng Abril ay nagdiwang si baby Ziggy ng kanyang ika-2 taong kaarawan, kung saan ay nagprepara ang kanyang mga magulang na sina Marian at Dingdong ng isang simpleng selebrasyon, ngunit may makukulay pa rin namang dekorasyon na umaayon sa batang edad ng anak nilang si Ziggy.

Ang simpleng selebrasyon nga na ito ng kaarawan ni baby Ziggy ay ginanap lamang sa kanilang tahanan.
Makikita naman sa Instagram ni Marian ang naging pagbabahagi nito ng ilang mga larawan na kinunan sa special na araw ng anak niyang si baby Ziggy.

Sa mga larawan nga ay talaga namang masisilayan ang napakagwapong si baby Ziggy, lalo pa’t bumagay sa kanya ang kanyang birthday outfit na pinaresan nga ng baseball cap. Agaw-pansin din sa mga ibinahaging larawan ni Marian ang taglay na kagwapuhan ng kanyang anak na si Ziggy, lalo na nga ng hihipan na nito ang kanyang birthday cake na hango nga ang disenyo sa mga laruang sasakyan na kinahihiligan niya.

Siyempre hindi naman mawawala sa kaarawan ni baby Ziggy ang makatanggap ito ng espesyal na regalo, at ang regalo ngang natanggap ng kyut na kyuta na anak nina Marian at Dingdong ay isang putting pambata na motorbike na ang disenyo nga ay kaparehas sa mga koleksyon ng kanyang Daddy.

Agad namang sinakyan ni baby Ziggy ang putting motorbike na regalo sa kanya, at bakas na bakas nga ang kanyang excitement. Sa kabilang banda naman, bago ang araw ng kaarawan ni baby Ziggy ay makikita ang naging pagbabahagi ni Dingdong sa kanyang social media ng throwback picture nila ng anak, at kalakip nga nito ay ang kanyang naging sentimental na mensahe kung saan ay na-realize nga niya na kaybilis talaga ng panahon dahil sa paglaki ng kanyang anak.

“I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalbo [laughing emoji]. I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two”, ani Dingdong.

Dagdag pa niya, “So many things had happened, so many realizations, and so many challenges such as this pandemic that we have to fight as a nation. It may not be and ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z the renewed (and strengthen) version of values and principle of humanity.”

Maliban nga kay baby Ziggy, ay mayroon pang isang anak ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes at ito nga ay ang panganay nilang anak, si Zia, ang nakatatandang kapatid ni Baby Ziggy.