Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Walang Kupas Na Kagandahan Ng Ina Ng Aktres Na Si Lovi Poe

Published

on

Isa sa mga hinahangaan at pinapantasyang aktres ngayon sa mundo ng showbiz si Lovi Poe o sa tunay na buhay nga ay si Lourdes Virginia Moran Poe. Ngunit maliban sa isang aktres ay kilala rin si Lovi bilang anak ng yuma0 ng “Da King” na si Fernando Poe Jr. kaya naman hindi maikakaila na ang kanyang husay at talento sa pagiging isang artista ay nakuha niya sa kanyang ama.

Ngunit marami naman sa atin ang marahil ay hindi pa nakilala kung sino nga ba ang ina ng 32-taong gulang na aktres na pinagmanahan niya ng kanyang angking ganda.
Kamakailan nga lamang ay naibahagi ng GMA ang larawan ni Lovi Poe at ng ina nito na si Rowena Moran. Si Rowena Moran ay ang ina ni Lovin a isang dating beauty queen at dati ring aktres.

Siya ang isa sa mga magagandang aktres nung kanyang kapanahunan na nagpaibig sa puso ni Da King.
Samantala, sa larawan ngang naibahagi ng GMA ay makikita ang natural na kagandahan na taglay ng mag-inang Lovi at Rowena. Kapansin-pansin rin na mas malaki ang pagkakahawig ng aktres sa kanyang ina, kung saan ay nakuha nga niya rito ang kanyang magandang mata at cheekbone.

Tila naman sa kabila ng edad na ngayon ng ina ni Lovi ay wala namang kakupas-kupas ang taglay nitong kagandahan, dahil sa larawan ay mapagkakamalan nga lamang silang magkapatid sapagkat parang hindi nagkakalayo ang kanilang edad base sa kanilang hitsura at awra.

Matatandaan na nabulgar sa publiko na si Lovi ay anak ni Da King ng isiwalat nga ito ni Fernando Poe sa lahat noong taong 2004, kung saan ay inamin niya na si Lovi ay anak niya sa dating aktres na kanya ngang nakarelasyon.

Lingid naman sa kaalaman ng lahat na si Fernando Poe Jr., ay mayroon pa din na isang anak at ito nga ay si Sen. Grace Poe, kung kaya naman si Lovi at Grace ay maghalf-sister.

Sa ngayon nga ay patuloy pa rin na namamayagpag ang karera ni Lovi bilang isang mahusay at talentadong aktres sa industriya ng showbiz. Ang kanyang kahusayan sa pag-arte ay ilang beses na rin niyang ipinamalas sa mga mahuhusay na pag-ganap niya sa mga nagiging karakter niya sa mga pelikula.

Ilan nga sa mga matatagumpay na proyekto na nagawa ni Lovi ay ang “The One That Got Away”, “Temptation Island”, “The Significant Other”, “My Neighbors Wife” at marami pa ngang iba.

Dahil din sa mga matatagumpay niyang pelikula at mahusay na pag-ganap sa mga karakter na kanyang ginagampanan ay ilang beses na rin siyang nakakuha ng parangal kagaya na lamang ng Best Actress award noong taong 2010 sa Cinemalaya Independent Film Festival ng gumanap nga siya sa pelikulang Mayohan bilang si Lilibeth.