Connect with us

Entertainment

Tingnan Si Dabarkads Pia Guanio Na Ibinida Ang Kanyang Fit Na Pangangatawan

Published

on

Taong 2015 ng maging isang host ng segment na Chika Minute noon sa 24-Oras ang Dabarkads ngayon na si Pia Guanio, at naging 11-taon din nga siyang parte ng nasabing news program. Ngunit matapos nga ang ilan taon niya sa nasabing programa ay iniwan niya ang nasbaing segment at ito ay inanunsyo niya sa kanyang Twitter account.

Maliban sa pagiging isa niyang host noon ng Chika Minute, ay kilala rin ngayon si Pia bilang isa sa mga loyal TV host ng noontime show na Eat Bulaga. Samantala, bago pa man nga siya nakilala ng husto sa mundo ng telebisyon sa GMA network, ay isa muna noong traffic reporter ng CALTEX’s Roadwatch si Pia noong taong 1999. Naging host din siya noon ng ABS-CBN na Alas Singko Y Medya.

Nagsimula ngang mamukadkad ang kanyang karera noong taong taong 2004 matapos niyang magdesisyon na lumipt sa GMA-7, kung saan nga ay kinuha siya bilang isang regular so-host ng Eat Bulaga.

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay at buhay pag-ibig, si Pia ay ikinasal noong taong 2011 sa isang businessman na si Steve Mago, na ginanap sa Ayala Alabang sa pamamagitan ng isang pribadong seremonya. Silang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae, na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn.

Matatandaan naman na bago nakilala at ikinasal si Pia sa asawa niyang si Steve Mago, ay matagal din niyang naging karelasyon si Vic Sotto. Ang kanilang relasyong dalawa ay umabot ng pitong taon, ngunit noong taong 2010 ay nagkahiwalay sila. Sa ngayon nga ay patuloy na magkatrabaho silang dalawa sa Eat Bulaga, ngunit sa kabila nito ay napanatili naman nila ang pagkakaibigan nila. Kaibigan nga rin ni Pia ang asawa ngayon ni Vic na si Pauleen Luna, isa rin sa mga host sa Eat Bulaga.

Hinahangaan naman ng marami ngayon si Pia, dahil sa kabila ng pagkakaroon na nito ng dalawang anak ay napanatili nito ang pagiging fit ng kanyang katawan. Ayon sa kanya, ang asawa niyang si Steve ang talaga namang nagmo-motivate sa kanya na mag-workout. Libangan rin umano nilang mag-asawa ang magbisekleta na isa rin sa mga ehersisyo nila.

“When I feel like skipping a workout, a dependable work-out partner keeps me in check and pushes mo to the limit. During this quarantine, my husband Steve motivates me and reminds me how working out makes me feel so much better physically, mentally and emotionally.”

Ibinahagi rin ni Pia ang isa sa mga inumin na nakatulong sa kanya para naman mas sipagin pa siyang mag-workout. “I haven’t felt lethargic, weak or lazy since drinking Entrasol Platinum because it is complete with all the vitamins, minerals, protein and fiber I need to keep my body, energized, tough and protected. No more tatamad-tamad!” Pinuri naman ng ilang netizens ang pagiging fit ng mag-asawang Pia at Steve.