Connect with us

Showbiz

Tootsie Guevarra Ito Na Ang Masayang Buhay Ngayon Sa Ibang Bansa Makalipas Mahabang Panahon Pagkawala Sa Showbiz

Published

on

Napakarami ng mang-aawit ang sumikat sa mundo ng showbiz, at ang kanilang mga magagandang awitin ay talaga namang tumatatak sa puso at isipan ng mga tagapakinig nito, kung kaya naman mawala man sila sa industriya ay nanatili pa rin ang kanilang ala-ala. Isa nga sa mga mahusay na mang-aawit ng OPM songs na nagpasikat ng mga hindi malilimutang OPM hits noon na hanggang ngayon at kinakanta pa rin ng marami sa atin ay ang dating OPM Icon na si Tootsie Guevarra o sa tunay na buhay ay si Emma Theresa Pinga.

Sumikat at naging popular bilang isang OPM icon si Tootsie Guevarra noong dekada 90. Ang kanyang mga musika ay ilan lamang sa mga theme song ng mga umiibig o sawi man noon sa pag-ibig.
Si Tootsie ang boses sa likod ng mga magagandang awitin noon na hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaawit, kagaya na lamang ng mga awiting, “Pasulyap-Sulyap”, “Nang Dahil sa Pag-ibig” at “Kaba.” May sarili rin na rendisyon si Tootsie ng awiting “Mr. Kupido” na OPM hit ng singer din na si Rachel Alejandro.

Samantala, sa kabila ng kasikatan at tagumpay na tinatamasa ni Tootsie noon sa kanyang showbiz career, taong 2004 ay nagpasya siyang lisanin ang mundo ng showbiz, ito ay upang manirahan na sa bansang Amerika kasama ang kanyang pamilya. Taong 2005 ay ikinasal si Tootsie sa Fil-Am na si Jansen Cunanan. Sila ay nagkaroon ng isang anak na lalaki, ngunit sa kabila nito ay hindi naman nagtagal ang pagsasama nilang mag-asawa at nauwi sa paghihiwalay.

Kahit naman nauwi sa hiwalayan ang naging pagsasama nila ng unang asawa, ay hindi naman ito naging hadlang kay Tootsie na muling makahanap ng bagong pag-ibig. Ito nga ay kanyang natagpuan kay Mike Monaco, isang Italian-American. Sila ni Mike ay nagpakasal noong taong 2012 at nabiyayaan nga sila ng isang anak na lalaki.

Isang dekada na rin nga ang matuling lumipas magmula ng lisanin ni Tootsie ang mundo ng showbiz upang manirahan sa bansang Amerika. At nang minsan ngang makapanayam siya sa programang ‘Magandang Buhay’ noong nakaraang taon, ay inamin ng dating OPM icon na sa kabila ng masayang buhay niya sa Amerika kasama ang kanyang pamilya, ay hindi pa rin niya maiwasan na ma-miss ang showbiz.

Dagdag pa ni Tootsie, kung may oportunidad sa kanya na gumawa muli ng mga awitin ay tatanggapin niya dahil hindi naman niya isinasara ang kanyang pintuan lalo na sa pag-awit.
“Alam mo hindi malabong mangyari yan, hindi mo masasabi ang future diba. Kung tatangapin niyo ako, bakit hindi? I mean hindi mo talaga masasabi ang future. Siyempre kung gusto niyo pa rin ako at kung may pagkakataon, bakit naman hindi? You’ll never know. For me, I don’t close doors, it’s all open”, ani Tootsie.