Connect with us

Inspiring

Tunay Na Kahanga Hanga Ang Pagiging Hands On Mommy Ni Coleen Garcia

Published

on

Talaga namang tunay na namamana ng mga anak ang ‘genes’ ng kanilang mga magulang, dahil tulad ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford, ay tunay ngang namana ng kanilang anak na si Bbay Amari ang taglay nilang kagwapuhan at kagandahan kaya naman ngayon nga ito ay napaka-cute at charming na chikiting na kinagigiliwan ng marami.

Magmula nga ng isinilang si Baby Amari at ipakilala siya sa publiko ng kanyang mga magulang ay agad na siyang umani ng maraming mga papuri mula sa mga netizens dahil sa kanyang taglay na kakyutan at kagwapuhan. Kahit nga baby pa lamang noon si Baby Amari ay kita na agad sa kanyang mukha ang magagandang feature at visual na namana niya sa kanyang mga magulang, kung kaya naman tuwing ang ina niyang si Coleen ay nagbabahagi ng mga larawan niya sa social media nito ay maraming mga netizens ang talagang naaaliw at sobrang natutuwa.

Samantala, tunay ngang kapag isa ka ng ina ay marami sa iyong buhay ang nagbabago. Kung noon nga ay madalas nating nasisilayan si Coleen na nagbabahagi ng mga solo photo niya sa kanyang Instagram account, ngayon naman ay tula mapupuno na ng mga larawan ng anak niyang si Baby Amari ang kanyang social media account.

Isa nga sa mga larawan ni Baby Amari na ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram na talaga namang kinagiliwan ng marami ay ang picture nito kung saan ay makikita nga itong abala sa kinakain at tila distracted pa at hind inga nakatingin sa kamera. Hindi naman mapigilan ni Coleen na mapangiti habang pinagmamasdan ang kanyang anak na si Amari sa moment na ito.

“Mr. Man can feed himself tyvm”, saad ni Coleen sa caption ng larawan na ito ng kanyanga anak.
Dahil nga sa candid na larawan na ito ay tunay namang marami ang naaliw sa kanilang mag-ina, kabilang na nga rito si Billy Crawford ang mister ni Coleen at siya ring ama ni Baby Amari na hindi napigilan ang magbigay komento sa nakakaaliw na larawan ng kanyang mag-ina.

“That’s ma big man! So adorable the both of ya!”, saad ni Billy sa kanyang komento. Maliban pa nga sa mga adorable na larawan na ito ni Baby Amari na ibinahagi ni Coleen, ay makikita rin sa Instagram ng celebrity mom ang pagbabahagi niya ng maikling video kung saan naman ay matutunghayan at mapapanood kung gaano kalambing na bata ang kanyang anak.

“Malambing 24/7 [emoji] I live for this”, saad naman ni Coleen sa caption ng video. Habang si Baby Amari nga ay patuloy na lumalaki ay mas lalong nagiging kapansin-pansin sa marami ang perpektong visual na namana niya sa kanyang mga magulang kung kaya naman marami ang giliw na giliw sa kanya dahil sa kanyang labis na kagwapuhan at kakyutan.