Connect with us

Showbiz

Tunay Na Walang Kupas Pa Rin Ang Kagandahan Ni Lara Quigaman Kahit Edad 39 Taong Gulang

Published

on

Sa kabila nga ng krisis sa kalusugan na naararanasan natin ngayon, ay malaking bagay naman talaga kapag nagawa nating magdiwang ng ating kaarawan na kasama ang ating pamilya. Ang kaarawan ay isa sa mga mahalagang kaganapan sa buhay ng bawat isa sa atin na madalas nga nating ipinnagdiriwang kasama ang ating mga mahal sa buhay. Isa na naman sa mga mapalad na nagdiwang ng kanyang kaarawan ay si Lara Quigaman.

Kilala si Lara Quigaman bilang isang Filipino actress, multi-product endorser at beauty queen ng siya nga ay itanghal bilang Miss International 2005 beauty pageant na ginanap sa Tokyo, Japan. Siya ang pang-apat na Pinay beauty queen na nakasungkit ng nasabing titulo at korona matapos ng kay Gemma Cruz noong 1964, Aurora Pijuan noong 1970 at Melanie Marquez noong 1979.

Nang magdiwang nga ng kanyang kaarawan si Lara, ay tumuntong na siya sa edad na 39. Sa pagdiriwang ng ani Lara ng kanyang kaarawan, ay isa namang matamis na mensahe ang inihandog sa kanya ng mister niyang si Marco Alcaraz, na isa namang kilalang Filipino actor, model, at former basketball player ng San Sebastian College-Recoletos.

Makikita sa Instagram ng aktor ang pagbabahagi niya ng larawan nila ng misis niyang si Lara, at nilakipan nga niya ito ng matamis na mensahe ng pagbati sa kaarawan ng minamahal niyang kabiyak.
“The Real Essence of Woman. A woman who is able to love and give herself up and sacrifice herself up to other people and being a good wife, mother, sister, daughter and good friend to everyone”, ani Marco.
Dagdag pa nga niya, “Happy happy birthday to you @laraquigaman and I love you so much. You are a blessing to me, Kuya Noah, Tobin and Moses.”

Si Lara Quigaman ay 11-taon ng kasal sa kanyang mister na si Marco Alcaraz. Silang mag-asawa ay ikinasal noong ika-1 ng Enero taong 2011 sa bansang Canada, kung saan doon nakabase ang pamilya ni Lara. Kahit naman tuloy-tuloy ang pagdagdag ng edad ni Lara sa tuwing siya ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan,

at sa kabila ng pagkakaroon niya ng mga anak, ay kapansin-pansin naman na hindi kumukupas ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Ang sikreto nga nito ay ang pag-aalaga niya sa kanyang sarili, at siyempre ang pagkakaroon niya ng masayang buhay sa piling ng kanyang napakabait na mister at mga anak.