Connect with us

Entertainment

Tunghayan Ang Kwento Ng Pag-Iibigan Ni Yasmien Kurdi At Ng Kanyang Asawang Isang Piloto

Published

on

Nakilala sa talent search na “StarStruck” ang aktres na si Yasmien Kurdi. Sa naturang talent search din nagsimulang umusbong ang kanyang karera bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Hindi nga lamang sa pag-arte may talent si Yasmien, dahil isa rin siyang mahusay na mang-aawit. Maliban nga sa mga teleserye, ay marami rin siyang mga naging pelikula at TV shows.

Sa ngayon nga ay isa na rin si Yasmien sa mga aktres sa showbiz na mayroon ng sarili niyang pamilya. Matapos niyang ikasal noong taong 2010 sa kayang asawang si Rey Sondevilla Jr., at ang kanila ngang naging pagsasama ay nabiyayaan na ng isang anak na babae.

Ngunit sa kabila nga ng ilang taon na ring kasal ang aktres, ay marami pa rin sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang hindi nakakakilala sa kanyang naging mister, lalo na’t hindi naman ito madalas na ipakita ni Yasmien sa kanyangs social media.

Samantala, sa isang vlog naman ng aktres sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi niya ang kuwento ng naging pag-iibigan nila ng kanyang mister. Ang vlog niyang ito ay ginawa niya ng patungo sila ng kanyang anak na si Ayesha sa Zamboanga City.

Sinimulan ng ani Yasmien ang kanyang vlog sa pagpapakita muna ng napakagandang mukha ng kanyang anak na kapansin-pansin nga ang malaking pagkakahawig nito sa kanya. Ipinakita rin ni Yasmien ang naging pagsakay nila sa eroplano patungo ng Zamboanga. Nang sila nga ay makarating na sa Zamboanga, ay dito na sinimulan ni Yasmien na ibahagi ang ‘love story’ nila ng kanyang asawa.

Ayon nga sa aktres, sila ng kanyang asawa ay nagkakakilala sa eroplano nu’ng panahon na ito ay ‘cabin crew’ pa lamang at siya naman ay naging pasahero ng eroplano kung nasaan ito. Chika ng aktres, nagsimula silang magkakilala at magkakuwentuhan ng mga oras na hindi niya mailagay ang kanyang mga luggage sa kanyang compartment dahil sa hindi magkasya ang mga ito. Dagdag pa nga niya, tatlong beses silang nagkatagpo ng kanyang asawa sa eroplano.

Ibinahagi naman ng mag-asawa na ang naging unang date nila ay sa Starbucks 32 nd Ave. at aminado sila na medyo malungkot sila ngayon na wala na ang nasabing resto café na ito sa nasabing lugar. Nagbiruan pa nga ang mag-asawa kung sino ba sa kanilang dalawa ang unang nagsabi ng salitang “I love you”.

Chika naman ni Yasmien ang asawa niyang si Rey ang unang nagsabi ng salitang ‘I love you’ ng regaluhan siya nito ng ‘mug’ na mayroong nakalagay na note sa loob.

Ngayon nga ay kitang-kita naman sa mag-asawa kung gaano kasaya ang kanilang pagsasama, lalo pa nga’t mayroon na silang anak na mas nagpapatibay pa sa kanilang pagsasama. Proud rin silang dalawa sa isa’t isa lalo na sa nabuo nilang masayang pamilya.