Connect with us

Inspiring

Tunghayan Ang Kwento Ng Tagumpay Ng Isang 4P’s Scholar Noon Na Ngayon ay Isa Ng Ganap Na Engineer

Published

on

Ang ahensya na 4P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program ay isa sa mga ahensya ngaoyon ng ating pamahalaan na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga mag-aaral. Ito ay upang matugunan nga ng sapat ang mga kinakailangan ng isang mag-aaral na hindi kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang gawa ng kahirapan.

Ilang mga mag-aaral nga naman ang talagang malaki ang naging pasasalamat ng magkaroon nga ng 4’s program ang ating pamahalaan, ito ay dahil nga talaga namang ito ay nakatulong sa kanila para makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang kanilang pangarap sa buhay.

Si Marvin , isang 23-taong gulang na binata ay isa lamang sa mga malaki ang pasasalamat sa 4P’s program na inilunsad ng ating pamahalaan, ito ay dahil isa lang naman siya sa mga natulungan nito na magkaroon ng oportunidad na matapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila nga ng kahirapan ng buhay nila. Ito rin ang naging daan upang mabigyan niya ng katuparan ang pangarap niya na maging isang ganap na engineer.

Batid nga ni Engr. Marvin Arnoza na ang buwis ng taong bayan ang dahilan ng kanyang pagtatapos sa pag-aaral, kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng tax payers sa ating bansa, bilang isa nga siya sa mga naging beneficiary ng 4P’s.

Nakapanayam ng PEP.Ph si Engr. Marvin, noong ika-26 ng Agosto nu’ng nakaraang taon, at sa panayam nga sa kanya ay naibahagi niya kung ano ang kanyang buhay noong siya ay nag-aaral pa lamang at kung paano niya napagtagumpayan ang pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng kahirapan ng buhay..
“Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4Ps na programa ng gobyerno.

“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya—isang kahig, isang tuka.
“Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon, lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani.”

Ayon nga kay Marvin, kahit na nakakatanggap na siya noon ng ayuda mula sa gobyerno ay may mga pagkakataon pa rin na kinakapos siya pagdating sa mga gastusin sa pag-aaral, kaya naman tuwing semestral break ay nagtatrabaho siya, imbis na magpahinga.

Pag-amin niya dahil din sa kahirapan at sa mga pagsubok na pinagdaanan niya, ay mayroon ngang mga pagkakataon na muntik na siyang mawalan ng pag-asa, ngunit naging inspirasyon nga niya noon ang kanyang pamilya at ang sinabi sa kanya.

Aminado din siya na noon ay dumating din sa punto na muntik na siyang mawalan ng pag-asa , ngunit maliban sa kanyang pamilya ay nagpalakas din ng kanyang loob ang sinabi sa kanya ng isa niyang kaibigan noon.

“Tumatak yun sa akin. Sabi niya, ‘We’re living in the same generation, but not with the same experience.’”, ani Marvin. Ngayon nga ay proud si Marvin na ibahagi sa lahat, na nagbunga na ang lahat ng pagpupursige niya sa buhay,

dahil ngayon ay isa na nga siyang ganap na inhinyero at labis nga ang kasiyahan ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina sa tagumpay niyang ito.
“Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.
“Salamat po…”