Connect with us

Showbiz

Tunghayan Ang Naging Balik Alindog Ni Janella Salvador Noong Nakaraang Taon

Published

on

Maarami sa mga kababaihan ang nakararanas ng pag-angat ng timbang at malaking pagbabago sa hugis ng kanilang katawan kapag sila ay naging isang ina na. Sa kabila nito, nais pa rin naman ng maraming mga kababaihan na muling maibalik ang dati nilang pangangatawan at timbang, ito ay dahil sa kinakailangan nila ito sa kanilang trabaho o di kaya naman ay bilang pagpapahalaga sa kanilang sarili.
Si Janella Salvador ay isa sa mga celebrity mom na matapos maisilang ang kanyang panganay na anak na si baby Jude Trevor ay nakaranas nga ng malaking pagbabago sa kanyang timbang.

Dahil sa isa siyang aktres na may pinapangalagaang pangalan at karera sa mundo ng showbiz, ay matatandaan na marami ang pumuna sa naging pag-angat ng timbang ni Janella nu’ng matapos nga niyang manganak sa panganay na anak nila ng partner niyang si Markus Paterson.

Matatandaan na noong buwan ng Oktubre taong 2020 ng isilang ni Janella ang 1st baby niyang si baby Jude. At matapos nga niyang isapubliko ang pagiging isa na niyang ganap na ina pagpasok ng taong 2021, ay naging kapansin-pansin na sa publiko ang ‘weight gain’ niya, dahilan para makatanggap siya ng mga komento patungkol dito.

Sa kabila ng normal lang naman para sa isang babaeng nanganak ang makaranas ng pag-angat ng timbang, ay hind inga naiwasan ni Janella na maapektuhan din sa mga natatanggap niyang komento mula sa mga netizens. Sa kanyang Instagram ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin at pinagdaanan sa naging pagbabago ng kanyang katawan. Pag-amin ng Kapamilya actress, ibinuhos niya ang kanyang sarili sa pag-aalaga sa anak niyang si baby Jude, kung saan tila napabayaan nga niya ang kanyang sarili dahil sa nadagdagan ang kanyang timbang ng 40-pounds dahilan para magsuot siya ng mga malalaking damit.

Ayon naman sa aktres, dumating din siya sa punto na kanyang napagtanto na kahit na siya ay isa ng ina ay hindi pwede na pabayaan niya ang kanyang sarili, kaya naman naging determinado siya na maibalaik ang dati niyang timbang at hulma ng katawan. At matapos nga ang halos isang taon matapos manganak ni Janella, kamakailan lamang ay kanyang pinamangha ang publiko, ng ibahagi niya ang kanyang larawan kung saan makikita na nagbalik na ang dati niyang alindog at kagandahan ng katawan.

Makikita sa larawan na ibinahagi niya ang naging improvement ng ginawa niyang pag-pokus sa goal niyang maibalik ang dating pangangatawan, at matagumpay niya nga itong nagawa dahil sa kanyang sikat, tiyaga at determinasyon. Ang getting back in shape body ni Janella ay mapapansin sa mga latest Instagram photos niya. Napatunayan rin ng marami na talagang nagbalik na ang magandang pangangatawan ni Janella ng mag-dance prod ito sa ASAP noong nakaraang linggo.