Connect with us

Entertainment

Umani Ng Maraming Papuri Ang Napakaganda At Bonggang Disney Princess Inspired Maternity Shoot Ng Vlogger Na Si Zeinab Harake

Published

on

Ngayong malapit ng maging isang ganap na ina, ay binigyang katuparan muna ng vlogger na si Zeinab Harake ang isa sa kanyang mga pangarap bago pa man nga dumating ang araw na siya’y magsisilang na.
Ilang buwan na nga laman bago magsilang sa kanyang anak ay nagkaroon muna ng isang bongga at napakagandang maternity photo shoot si Zeinab, kung saan para nga sa kanya ito ay isang ‘dream come true’.

Ang naging tema ng maternity shoot na ginawa ni Zeinab ay Disney princess inspired, kung saan ito nga ay ikanyang ideya mismo, dahil bata pa lamang siya ay pangarap na niya ang makapagsuot ng mga iba’t ibang costume na inspired ng mga popular na Disney princesses.

“Kakaibang maternity shoot to kasi hindi siya yung tipikal na maternity shoot na nakikita niyo kasi ito binase ko sa childhood favorite ko which is yung Disney princess”, ang naging pahayag ni Zeinab sa kanyang latest vlog.

Makikita nga sa naging maternity photoshoot ni Zeinab ang naging transformation niya, kung saan ay nagmala-Snow White, Aurora, Belle, Jasmine, Cinderella at Ariel siya. Ang mga nag-gagandahan ngang damit na kanyang isinuot ay dinisenyo ng kanyang isang kaibigan.

Bumuhos naman ang napakaraming papuri at paghanga kay Zeinab ng ibahagi niya sa social media ang mga kamangha manghang larawan na kuha nga sa kanyang naging Disney princess inspired photo shoot.

Ayon nga kay Zeinab ay talagang napakasaya niya sa kinalabasan ng ginawa niyang maternity shoot, dahil sa lumabas ngang napakaganda ang halos isang buwang naging paghahanda nila para maging perpekto ang kanyang photo shoot mula sa kanyang mga Disney princess outfit hanggang sa mga ginamit nilang disenyo sa set.

At siyempre, kung naging agaw-pansin nga sa nasabing maternity shoot ang mga bonggang Disney princess costume ni Zeinab, ay mas binigyan naman ng highlight sa bawat larawan ang kanya ngang lumalaki ng tiyan.

Samantala, matagal na ring batid ng marami sa atin na maganda talaga si Zeinab, ngunit sa mga larawan nga niya sa kanyang naging maternity shoot ay mas napansin pa ng marami na mas lumutang pa ang taglay nitong ganda dahil sa napaka-bloomin nito ngayon at masaya.
Dagdag na saad pa ng ani Zeinab, walang mapagsidlan ang kanyang kasiyahan dahil naisakatuparan niya ang pinapangarap niyang maternity photoshoot.

“Sobrang happy ko kasi ito talaga ang gusto kong maging maternity shoot. Isa sa mga maternity shoot ideas ko. Naisip ko ‘to dating-dati pa kas inga mahilig talaga akong mag-Disney Princess. And nagawa ko siya.”

Narito naman ang mga naging papuring komento ng mga netizens sa napakaganda ngang look ni Zeinab sa kanyang Disney princess inspired maternity photoshoot. “ANG GANDA MO SA ARIEL IDOL TALAGA KITA ZEINAB GANDA GANDA KAHIT SAN GANDA MO TALAGA.”
“It’s the Belle and Jasmine for me!”

“Jasmine and Ariel sobrang ganda.” “cinderella love it too much bagay na bagay lahat naman bagay e…”
“Mas nagandahan ako kay Belle ang blooming nya fresh na fresh.” Matatandaan na buwan ng Disyembre taong 2020 ng i-anunsyo ni Zeinab sa publiko ang kanyang pagbubuntis sa magiging una nga nilang anak ng kanyang nobyong si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee isang popular na rapper.

Matapos nga nito, ay agad namang sumunod ang isang bongga at napakagandang gender reveal party, kung saan ay napag-alaman nga nila na ang magiging gender ng first baby nila ay isa ngang babae.