Showbiz
Umani Ng Paghanga Si Alexa Ilacad Dahil Sa Pagtatapos Ng Kolehiyo Na May GWA Flat 1.0

Hindi nga naman biro ang trabaho ng isang artista, marami sa kanila ay isinantabi muna ang pag-aaral para lamang bigyan ng panahon ang karera upang mapaunlad ang buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ngunit may iba namang artista, na sa kabila ng patuloy nilang pagsusumikap sa kanilang trabaho sa industriya ng showbiz, ay ginawa pa ring magpatulooy sa pag-aaral, sapagkat tunay na mahalaga ang edukasyon at diploma sa buhay ng isang indibidwal.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad, na nito lamang nakaraan ay nag-trending online dahil sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo. At ang mas hinahangaan pa ng marami sa aktres, sa kabila ng pagiging abala niya sa mga proyekto niya bilang artista, ay nagawa pa rin nitong magtapos ng may karangalan at mataas na marka.
Masayang ibinahagi ng dating Goin Bulilit child star na si Alexa Ilacad sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan ang kasiguraduhan niya na ngayong taon nga ay magtatapos na siya ng kolehiyo.
Si Alexa ay magtatapos ng kursong Marketing sa Treston Intertanional College School of Business and Technology.
Ngunit sa ibinahagi ngang post ng aktres, ay buong pagmamalaki niya ring inihayag na maliban sa kanyang pagtatapos ay isang karangalan rin ang kanyang nakamit dahil sa pagkakaroon niya ng mataas na marka. Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Alexa noong ika-2 ng Agosto sa kanyang Instagram, ang kanyang larawan kung saan ay masisilayan na katabi niya ang isang certificate of recognition na nagpapakita ng nakuha niyang General Weighted Average. At tunay na nakakamangha, dahil nakasaad nga rito na ang aktres ay nakakuha ng GWA na flat 1.0.
“Last Hoorah for my last term in college. [praying hand emoji] I am over the moon as I type this right now but finally… I AM GRADUATING..”, ang abot langit na saad nga ni Alexa sa kanyang caption na hindi maitago ang kasiyahan sa kanyang pagtatapos ng pag-aaral. Dagdag na saad pa niya, “Despite all the obstacles thrown my way, I was determined to finish strong. I came, I studied, I [email protected] @GoldenLion #SchoolofBusinessandTechonology #MarketingMajor #DeansList #Graduating #WeAreTreston.”
Mas kinagiliwan naman ng mga netizens ang pagtatapos na ito ni Alexa, matapos nga siyang ihalintulad ng iba sa naging karakter niya sa pelikulang ‘Four Sisters Before the Wedding”, kung saan ay ginamapanan niya ang karakter ni Bobby na siya ngang overachiever sa magkakapatid.
Tulad ng kanyang naging karakter sa nasabing pelikula, pinatunayan ni Alexa sa lahat na siya ay isa sa mga ‘beauty and brain’ artist sa mundo ng showbiz.
