Connect with us

Inspiring

Umani Ng Papuri Ang Babaeng Pulis Matapos Niyang Mag Pa Breastfeed Sa Isang Sanggol Na Iniwan Ng Mga Magulang

Published

on

Umani ng papuri mula sa mga netizens kamakailan lamang ang isang babaeng pulis. Ito nga ay matapos niyang i-breastfeed ang isang sanggol na hindi niya anak, bagkus ito ay iniwan ng mga magulang nito, marahil upang makapaghanapbuhay.

Nagpa-breast ang kinilalang pulis na si PLT JEAN C AGUADA sa 5-buwang gulang na sanggol na babae kamakailan lamang. Si PLT Jean ay mula sa pamunuan ng PLTCOL IMELDA M REYES.
Ayon sa ulat, ang naturang sanggol na babae na nasa limang buwang gulang lamang ay iniwan ng mga magulang nito sa Likod Pader, Barangay Old Capitol Site, Quezon City, kaya naman ng ito ay umiiyak na, marahil dahil sa gutom ay si PLT Jean ang nag-volunteer i-breastfeed ito.

Ang mga larawan na ito ni PLT Jean habang nini-breastfeed niya ang naturang sanggol ay ibinahagi sa Facebook page ng QCPD Anonas. Samantala, maliban pa nga sa ginawang pag-breastfeed ni PLT Jean C Aguada sa sanggol na nangangailangan ng pag-aalaga, ay pinaliguan rin nila ang sanggol at binigyan pa ng maayos na damit.

Katulong niya sa pag-gawa nito ang mga kasamahan niya na sina PCpl Abigail Alon, PCpl Mary Florence Flores, at PCpl Diana Pearl Taytay. Ayon nga kay PLT Jean naramdaman niya na naghahanap na ng ina ang sanggol, kaya naman ito ay kanyang brineastfeed, dahil bilang isang ina ay hindi maiiwasan na makaramdam siya ng awa sa sanggol na iniwan ng mga magulang, lalo na nga ang ina nito na mas kinakailangan nito.

Maraming mga netizens ang talaga namang humanga sa ginawa na ito ni PLT Jean sa sanggol, kung saan ay sa kabila nga ng hindi niya ito sariling anak, ay hindi ito nagdalawang isip na bigyan ng breastfeed ang sanggol upang maibsan ang gutom na nararamdaman nito.

Umani nga ang social media post na ito ng iba’t ibang mga komento, kung saan ay sinabi nga ng karamihan na ramdam nila kung paano magmahal bilang isang ina si Jean. Marami rin ang nagkomento na nagsasabing naawa sila sa kalagayan ng sanggol, dahil sa murang edad nito ay kinailangan na itong iwanan ng kanyang ina para maghanap buhay.

Tunay nga naman na ang isang sanggol ay nangangailangan ng pag-aaruga ng isang ina habang sila ay lumalaki, ngunit may mga pagkakataon nga talaga na ang isang ina ay kinakailangan na iwanan ang kanyang sanggol upang makapaghanap buhay, kagaya na nga lamang ng nangyari sa sanggol na ito.