Connect with us

Entertainment

Unica Hija Ni Valerie Concepcion May Taglay Na Talento At Kagandahan

Published

on

Talaga namang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil hindi natin namamalayan na ang mga batang noon ay kinagigiliwan natin sa kanilang kakyutan, ay hahangaan naman natin ang kagandahan ngayon na sila ay mga dalaga na. Halimbawa na nga lamang nito ay ang unica hija ng aktres na si Valeri Concepcion, na si Heather Fiona Galang. Noon nga lamang ika-25 ng Oktubre ay ipinagdiwang na ng anak ni Valerie na si Heather ag ika-18 taong gulang na kaarawan nito.

Makikita sa Instagram account ng aktres, ang naging pagbabahagi niya ng ilang mga video at larawan na kuha mula sa naging selebrasyon nila ng kaarawan ng kanyang unica hija. Masayang ang naging pagdiriwang ng kaarawan ng anak ni Valerie na si Heather, dahil kasama nila ang kanilang pamilya sa selebrasyon na ginanap nga lamang sa loob ng kanilang tahanan.

Hindi naman nakalimutan ni Valerie na lakipan ang mga larawan at video na kanyang ibinahagi ng mensahe para sa kanyag unica hija. Ayon nga sa aktres, ang anak niyang si Heather ang kanyang ‘greatest treasure’ at kahit na ito nga ay dalaga na,para sa kanya ay mananatili na ito ang kanyang pinakamamahal na baby girl.

“Before this day ends, I want to greet my lovely daughter – Here are more photos from my daughter Heather’s “A DECADE AND EIGHT”. 😍 I want to thank all of our very generous suppliers who gave us more than what we asked for. ❤️ Everything exceeded our expectations and for that, we are GRATEFUL. 🙏🏼 You guys rock!, caption ng aktres sa kanyang naging IG post.

Matatandaan na ng ipinagbubuntis pa lamang ni Valeri ang anak niyang si Heather ay nasa edad 16 pa lamang siya, kung saan ito nga ay kanyang naibahagi sa Kapamilya show na “Magandang Buhay”. Pagbabahagi pa noon ng aktres, sa takot ng kanyang mga magulang na makipagtanan siya sa ama ng kanyang anak, na talaga namang mahal na mahal niya nu’n ay ikinulong siya nito sa loob ng kanilang tahanan dahil baka nga siya’y makipagtanan.

Naikuwento din ni Valerie, na kahit hindi nakagisnan ng anak niyang si Heather ang ama nito, ay pinuno naman niya ng pagmamahal ang anak, at hindi niya rin nakalimutan na kahit man lang sa larawan, ay makita nito ang ama, at makilala ang personalidad nito.

Dahil sa magandang pagpapalaki ni Valeri sa kanyang anak, at hindi pagsesekreto dito ng patungkol sa ama nito, ay lumaki nga ang anak niyang si Heather, na ‘open’ sa kanya, o yung lahat ay sinasabi o kinukuwento nito sa kanya.

Sa kasalukuyan ay masaya ang buhay pag-ibig ni Valerie sa piling ng kanyang non-showbiz husband na si Francis Sunga, na tanggap na tanggap din ang kayang unica hija. Sila nga ay magda-dalawang taon ng kasal, matapos nilang ikasal noong buwan ng Disyembre taong 2019.