Entertainment
Valerie Concepcion Ibinahagi Ang Nakakaantig Na Mensahe Para Sa Kanyang Bagong Graduate Na Anak

Bilang isang ina, ay proud na proud ang “Raising Mamay” actress na si Valeri Concepcion sa kanyang anak na si Heather Fiona, ito ay dahil kamakailan nga lamang ay matagumpay ng grumaduate sa High School ang only daughter ng aktres. Nito nga lamang nakaraang araw ng Huwebes, ika-9 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ay grumaduate na sa High School ang nag-iisanga anak ni Valerie Concepcion na si Heather Fiona. At siyempre bilang isang ina, ay talaga namang proud ang aktres sa tagumpay na ito ng anak.
Samantala sa social media naman ni Valerie ay nagpahayag siya ng kanyang mensahe para sa anak niyang si Heather. “Right from when you were still a kid until now, you have only give me a reason to hold my head up high”, ang mensahe nga ni Valerie sa kanyan anak.
Saad pa ng aktres, talaga namang ipinagmamalaki niya ang kanyang anak, at hangad niya para rito ay ang matupad nito anuman ang nais nitong tahakin sa buhay at nawa’y maging matagumpay at masaya ito sa buhay.
“I am so proud of you, my Dearest Heather and I am wishing you all the success and happiness the world has to offer. Goodluck on your new journey, anak ko. ILYSM and I’ll always be here for you. That’s promise”, dagdag na pahayag pa nga ni Valerie. “With love and pride today and always, MOM”.
Si Heather Fiona ay anak ng aktres na si Valerie Comcepcion sa kanyang dating nobyo, kung saan isinilang nga niya ito sa murang-edad niya sapagkat 16-taong gulang lamang nga siya noon.
Matatandaan na noong makapanayam si Valerie sa programang Magandang Buhay ng ABS-CBN ay ibinahagi niya kung paano siya naging responsable at nag-mature sa edad na 16 dahil sa kanyang pagiging isa ng ina. Pagbabahagi pa nga ng aktres, dahil sa pagkakahiwalay nila ng ama ng kanyang anak, sapagkat napakabata pa nga niya noon at hindi pumayag ang kanyang mga magulang na ikasal siya sa ama nito, ay hindi nga nakalakihan ng anak niya ang ama nito, ngunit ayon kay Valerie ay naging ‘open’ siya sa kanyang anak tungkol sa pagkakakilanlan ng ama nito.
Sa kasalukuyan naman ay masaya at kontento na si Valerie sa kanyang buhay, dahil maliban sa anak niyang si Heather Fiona ay mayroon na rin siyang katuwang sa buhay at ito nga ay ang kanyang non-showbiz partner na si Francis Sunga. Si Valerie at Francis ay ikinasal noong taong 2019.
