Showbiz
Venus Raj Proud Na Ibinahagi Ang Pagtatapos Sa Isang Paaralan Sa Oxford, England

Isa namang ‘major major’ milestone sa kanyang buhay ang ngayon ay nabigyang katuparan ng beauty queen na si Venus Raj, at ito nga ay kanyang proud na ibinahagi sa kanyang social media account.
Sa Instagram account ni Venus Raj ay proud niyang ibinahagi noong ika-22 ng Hunyo ang ilang mga larawan na ayon sa kanya ay isa sa mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay na hindi niya malilimutan. Kung saan ito nga ay ang naging matagumpay niyang pagtatapos sa isang paaralan sa Oxford, England, ang Oxford Centre for Christian Apologetics (OCCA).
Maliban pa sa mga larawan na ibinahagi ng beauty queen, ay inilahad naman niya sa kalakip nitong caption ang naging ‘journey’ niya sa OCCA. “This journey at the OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics (@occaoxford) is a journey of testing faith, delighting in God’s presence, enjoying fellowships, increasing knowledge, having meaningful conversation, discovering gifts, empowering opportunities, revisiting struggles, and gaining life-long friends”, ani ni Venus sa kanyang caption.
Nakatanggap naman ng mga pagbati si Venus mula sa ilang mga malalaking pangalan sa pageant world at sa ilang mga kaibigan niya sa industriya ng showbiz, kabilang na nga rito ay ang kanyang Binibining nPilipinas sister na si MJ Lastimosa at marami pang iba. “Congrats Nay!! Love your dress as well!!!”, mensahe at pagbati ni MJ.
“So proud of you ate”, ang naging komento ni Miss Philippines Supranational 2017 Chanel Olive.
“Congratulations, Venus!!!”, ang naging komento naman ni Hayden Kho. Samantala, maliban sa pagtatapos na ito ni Venus, ay matatandaan na bago siya sumabak noon sa Binibining Pilipinas noong taong 2010 ay nagtapos muna siya ng ng kursong Journalism sa Bicol University sa Albay taong 2008. Nagtapos naman si Venus ng kanyang master’s degree program na Community Development sa UP-Diliman noong taong 2017.
Si Venus Raj o sa tunay na buhay ay si Maria Venus Bayonito Raj ay isang kilalang beauty queen, host at actress na may lahing Indian-Filipino. Naging popular naman siya hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong universe dahil sa kanyang naging pagsagot ng ‘major major’ ng sumabak siya sa 2010 Miss Universe beauty pageant, kung saan hindi man niya naiuwi ang korona at titulo ay itinanghal naman siyang 4th runner-up.
Ang naging pagsabak naman ni Venus sa Miss Universe pageant ang naging daan upang magbukas sa kanya ang mas maraming mga oportunidad, lalo na nga sa mundo ng showbusiness. Isa na nga sa mga naging proyekto niya sa telebisyon ay ang pagiging host ng “Umagang Kay Ganda” isa sa mga morning show ng Kapamilya network, kung saan ay umabot siya ng dalawang taon bago umalis ng mag-reformat nga ng cast ang naturang show. Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ng beauty queen ang kanyang adhikain at proyekto para sa komunidad bilang isang community worker at health advocate.
