Connect with us

Entertainment

Vice Ganda Ipinag Shopping Ng Bongga Ang Kanyang Inaanak Na Umabot Sa Php300,000

Published

on

Marahil lahat tayo ay kilala ang nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Isa lang naman kasi siya sa mga pinaka matagumpay na aktor at komedyante sa mundo ng showbiz. Siya ay unang kinagigiliwan at sumikat bilang isa sa mga host ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime, kung saan ay kanyang ipinamalas ng husto ang husay niya sa pagbibigay ‘good vibes’ sa madlang pipol. Kasunod na nga nito ay ang naging pagbibida na rin niya sa mga sarili niyang pelikula na talaga namang pumatok sa madla, kaya naman mas minahal at hinangaan pa siya ng marami.

Maliban pa sa pagiging isang host at pagkakaroon ng mga pelikula, ay nagkaroon din si Vice ng pagkakataon na magkaroon ng mga sold outs concerts, hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang panig din ng ng mundo. Isa na ring negosyante si Vice, sapagkat mayroon na din siyang sariling make up brand, ito nga ay ang Vice Cosmetics, na tinatangkilik din ng marami ngayon, lalo na ng mga kababaihan.

Hindi lamang kabibiliban si Vice sa lahat ng kanyang tagumpay sa buhay, dahil hahangaan din siya, sapagkat sa kabila ng lahat ng tagumpay niyang ito at sa dami ng mga biyayang kanyang natatanggap, ay hindi niya makakalimutang ibahagi ito, hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi maging sa kanyang kapwa at malalapit niyang mga kaibigan.

Matatandaan na binigyan ni Vice ng isang magara at napakagandang tahanan ang kanyang pamilya. Dagdag pa rito ay ang mga naging bakasyon niya sa iba’t ibang mga lugar at bansa, na isinasama din niya ang mga mahal niya sa buhay.

Samantala, ito lamang nakaraan ay isa namang malapit niyang kaibigan ang binigyang kasiyahan ni Vice, at ito nga ay sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng regalo sa inaanak niya rito. Kamakailan nga lamang ay naglabas ng pinakabago niyang vlog ang komedyanteng si Ethel Booba, kung saan ay makikita ang ipinag-shopping ng kaibigan at kumare niyang si Vice Ganda ang kanyang anak na inaanak nga nito. Ayon kay Ethel, ito ang unang pagkakataon na nakita at nakilala ni Vice ang inaanak nitong si Michaela, kaya naman talagang lumabas ang pagiging galante ni Vice.

Sa naturang vlog ay mapapanood ng pag pasyal ni Vice ang inaanak niyang si Michaela sa isang toy store. Kitang-kita naman ang kasiyahan ng bata ng makita ang napakaraming mga laruan, at siyempre binili nga ni Vice ang mga napusuang laruan ng inaanak niyang si Michaela, at umabot nga sa Php124, 000 ang perang nagastos ng It’s Showtime host.

Video Credit Youtube/Vice Ganda

Pagkatapos sa mga laruan, ay sunod namang ipinag-shopping ni Vice si Michaela ng mga damit, kung saan siya mismo ang pumili ng mga damit para sa kanyang inaanak. Umabot naman sa Php192,000 ang bill ni Vice sa lahat ng mga damit na binili niya para sa inaanak. Ang lahat nga ng pinamili ni Vice para sa kanyang inaanak na si Michaela ay umabot sa mahigit Php300,000 at kitang-kita sa komedyante na sa kabila ng malaking halaga na ito ay tuwang-tuwa naman siya na mabigyan ng kasiyahan ang kanyang inaanak sa mga regalong ibinigay niya rito.