Connect with us

Entertainment

Vice Ganda Nagbigay Ng Tips Sa Kauna Unahang Leading Man Sa Isang Pelikula Ni Ion Perez

Published

on

Dahil sa relasyon ni Ion Perez sa Unkabogable host-comedian na si Vice Ganda, ay hindi nga maiiwasan na maitanong sa kanya, kung ano ang naging “advice at tips” ni Vice sa kanya, ngayon siya ay isa sa mga magiging leading man sa sexy comedy movie na “Kaka.”

Ayon nga sa mga naging ulat, sa kaua-unahang pagkakataon ay gaganap ng isang leading-man role si Ion Peres sa pelikula, kung saan ay kanyang makakatambal ang aspiring daring star Sunshine Guimary.

Sa naganap na conference ng pelikulang Kaka nito lamang ika-25 ng Enero 2021, ay inamin ni Ion Perez ang kanyang nararamdaman na “pressure”, lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na sasabak siya sa pelikula bilang isang leading men.

Magkaganoon man, ay ibinahagi rin ni Ion na full support ang kanyang karelasyon na si Vice Ganda sa kanya. “Unang-una, ito po ‘yung pelikula na ako po yung leading man, kaya mas doble po yung pressure na nararamdaman ko.”

Ibinahagi rin ni Ion ang tips ni Vice sa kanya. Ayon nga kay Ion, sinabi sa kanya na Vice na may tiwala ito sa kanya, at alam nito na kaya niya ang magiging role niya sa pelikula.
“Ang sinabi lang niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, may tiwala ako sa’yo. Tataya ako sa’yo’, ang naging saad ni Ion.

Dagdag pa ni Ion, dahil sa tiwala at suporta na ibinigay sa kanya ni Vice, ay mas sinabi niya sa kanyang sarili na kailangan niyang pagbutihan, at lalo pang aralin ang kanyang magiging role sa pelikula.
“So, talagang aaralin ko siya, aaralin ko si Levi”, ani Ion.

Si ‘Levi’, ay ang magiging karakter ni Ion sa pelikulang Kaka, kung saan ay napakalayo ng personalidad nito sa tunay niyang katauhan sa totoong buhay. Kahit nga nahihiya pa, ay gagawin umano ni Ion ang lahat ng kanyang makakaya upang magampanan ng maayos ang karakter niya sa pelikula, lalo pa’y minsan lang nangyayari sa buhay ang ganitong oportunidad.

“E, hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon o opportunity.”
“Sabi ko, sige try ko, subukan ko para yung abs ko lumitaw naman”, ang naging saad pa nga nito.
Ikinuwento din ni Ion, na dahil alam niyang professional bilang artista ang kanyang partner na si Vice Ganda, ay humingi siya ng tips dito.

“Humihingi naman po ako ng tips sa kanya kasi alam naman po natin na si Meme, pagdating sa ganyan, professional naman po siya”, saad ni Ion.

Batid nga naman nating lahat na hindi lang sa pagiging isang host mahusay si Vice Ganda, dahil isa rin siya sa mga Superstar ng ABS-CBN, na mayroong mga pelikulang comedy na talaga namang record-breaking sa takilya.

Samantala, dagdag pa ni Ion, ang mas nakaka-pressure pa sa kanyang role sa pelikula ay ang pagiging mayaman ng kanyang karakter, dahil sa kinakailangan niya talagang aralin ang kilos at galaw ng isang mayamang tao.

“Yun ang talagang hindi ko alam kung paano ko kikilos – kung paani gumalaw yung isang anak-mayaman saka kung paano maging isang anak-mayaman.”