Connect with us

Inspiring

Viral Ngayon Ang Isang Amang Labis Ang Kasiyahan Dahil Napagtapos Sa Eskwela Ang Anak Sa Pagtitinda Ng Balut

Published

on

Batid natin na bawat tagumpay ng isang tao ay mayroong kanya-kanyang istorya. Isa na nga rito ay ang tagumpay ng pag-aaral ng isang anak, sa likod ng pagsisikap, pagpapakahirap at pagpatiyatiyaga ng kanyang mga magulang upang siya’y mabigyan ng magandang edukasyon na magiging sandata niya sa pagtupad ng kanyang minimithing pangarap sa buhay.

Halimbawa na nga lamang nito ay ang istorya ng mag-ama na nito lamang nakaraan ay nag-viral sa social media ng ibahagi ng anak ang larawan nilang mag-ama na kinunan para sa graduation photo.

Base sa naging ulat, si Jerdy Grace Araneta ay isang graduating student na nagbahagi ng kanyang graduation photo, kung saan ay kasama niya ang kanyang ama sa kanyang larawan, ito ay dahil malaki ang pasasalamat niya sa ama niya sapagka’t dahil sa kasipagan nito at pagpapakahirap na igapang ang kanyang pag-aaral sa kabila ng hirap ng buhay kaya naman siya’y matagumpay na nakapagtapos ngayon sa kanyang senior high school.

Ang masipag na ama ni Jerdy Grace ay nakilalang si tatay Rodolfo, na ngayonay proud na proud nga sa kanyang anak, dahil para sa kanya ay nagbunga ang lahat ng naging paghihirap at pagtiyatiyaga niya para sa kanyang anak at sa apat pang mga kapatid nito.

Napagtapos ni tatay Rodolfo sa senior high school ang anak niyang si Jerdy Grace sa pamamagitanng hanapbuhay niya na pagtitinda ng ballot, dito rin niya kinukuha ang pangtustos sa iba pang gastusin ng pagpapaaral sa mga iba pa niyang anak at iba pang gastusin ng kanilang pamilya. Sampung taon na nga na nagtitinda ng balot si tatay Rodolfo.

Ngunit dahil sa ngayon ay may kinakaharap ang ating bansa na krisis, kung saan mas dumoble pa nga ang nararanasang kahirapan, ay kinailangan ni tatay Rodolfo na mag-doble kayod para sa kanyang pamilya. Para madagdagan ang kinikita para sa pamilya, ay pinasok na rin niya ang pagtitinda ng pandesal at paminsan-minsan pa nga ay nagkukumpuni din siya ng mga sirang appliances.

Ayon naman kay Jerdy, para makatulong siya sa kanyang pamilya, lalo na nga sa kanyang mga magulang ay nais niyang kumuha ng kursong nursing sa kanyang kolehiyo, at habang siya ay nag-aaral ay nais niyang mayroon siyang pagkakakitaan para naman hindi masyadong mahirapan ang kanyang ama na tustusan ang pag-aaral niya.

Hinangaan naman ng marami ang larawan ni tatay Rodolfo at anak niyang si Jerdy Grace, ito nga ay dahil talaga namang nakaka-proud sa isang ama ang mabigyan ng edukasyon aang kanyang anak sa kabila nga ng hirap ng buhay.

Mas nakaka-proud pa nga dahil kitang-kita rin sa anak niya na hindi niya binigo ang kanyang mga magulang, at sulit nga ang lahat ng naging pagod at pagsasakripisyo ng mga ito para maabot lamang niya ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.