Connect with us

Entertainment

Vlogger Na Si Cong TV At Kanyang Partner Na Si Viy Cortez Labis Ang Kasiyahan Ngayon Na Magkakaroon Sila Ng Anak

Published

on

Labis ang kasiyahan na nadarama ngayon ng magkasintahang sina Viy Cortez at Cong TV, ito nga ay dahil makalipas ang matagal-tagal ding panahon matapos makunan ni Viy sa dapat ay panganay na anak nil ani Cong TV, ngayon ay masaya nilang ibinalita sa lahat na sila ay muling biniyayaan ng anak,

sapagkat sa kasalukuyan nga ay ipinagbubuntis ng vlogger ang kanilang magiging anak.
Nito nga lamang araw ng Martes, ika-2 ng Disyembre ay ibinahagi ng YouTube star ang masayang balita na ito sa pagsasama nila ng kanyang kasintahan sa papamagitan ng isang vlog.

Mapapanood sa naturang vlog, ang pagiging emosyonal ni Viy matapos nga niyang masilayan ang dalawang pregnancy test kit na kanyang ginamit na parehong positibo ang resulta. Kasunod nito , ay ang pagbabahagi naman niya ng hitusra ng partner niyang si Cong TV, na bakas na bakas sa mga ngiti ang labis na kasiyahan na nadarama.

“Totoo ba? Saad agad ni Cong na dinugungan kaagad ng salitang, “Matulog ka na ‘don! Bawal kang gumalaw.” Nang makumpirma nga ni Cog kay Viy na totoong magkaka-baby na sila, ay agad nga niya itong binigyan ng napakahigpit na yakap, at kalaunan ay agad namang ibinahagi ng dalawa ang magandang balitang ito sa “Team Payaman.”

Samantala, mapapanood naman sa simula ng naging vlog ni Viy, kung paano niya ibinahagi nna ang pagdadalang-tao niyang ito ay talaga namag hindi niya inasahan at agad na mapaniwalaan, at ito nga ay dahil sa mga pinagdaanan niyang problema sa kanyang kalusugan.

“Naiiyak ako kasi natatakot ako, kasi di ba, kaka-opera ko lang at negative ako nu’n, eh ano ‘yun mga two weeks ako. So, kung negative ako baka false negative din ngayon. S, naiiyak ako kasi baka umasa lang ako, tapos hindi naman pala”, saad ni Viy.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam. Nahahalo-halo na ang emosyon ko, naiiyak ako sa saya, naiiyak ako sa nalulungkot ako kasi, papaano kung mawala na naman or paano kung hindi naman pala talaga?”

Kung sa una nga ay talagang nakararamdam ng pangamba si Viy dahil baka umasa lang na naman siya sa wala, ay agad namang nawala ang pangamba na ito sa kanya, ng makumpirma sa pamamagitan ng isang ‘sonogram’ ang kanyang pagbubuntis, at mabatid din niya na maayos ang lagay ng kanyang baby sa sinapupunan dahil okay ang pintig ng puso nito.

Matatandaan na noong nakaraang taon, buwan ng ng Disyembre ng ibahagi nina Viy at Cong TV sa lahat ang naging pagkawala ng kanilang panganay na anak, ito nga ay ilang araw lamang matapos makumpirma ni Viy ang kanyang pagdadalang-tao.