Connect with us

Entertainment

Vlogger Na Si Mimiyuuuh Sinorpresa Ang Kanyang Ina At Ama Ng Brand New Car

Published

on

Isa sa pinakamatunog na pangalan ngayon sa mundo ng vlogging ay ang vlogger na si Mimiyuuuh, maliban pa dito ay isa rin siyang fashionista.

Dahil sa kanyang pagiging kwela sa kanyang mga ginagawang vlogs at likas na personalidad na mahusay sa pagpapatawa ay talaga namang marami ang mga netizens na kinagiliwan ang kanyang mga video vlogs, kaya naman dahilan ito para dumami ang kanyang mga subscribers at umabot na nga sa 3.8 milyon lahat.

Hindi nga maikakaila na isa na si Mimiyuuuh sa mga pinakasikat na vlogger ngayon na kumikita ng malaki sa kanyang karera bilang isang vlogger, kaya naman halos lahat na rin ng mga pangarap niya sa kanyang buhay at para sa kanyang pamilya ay unti-unti na rin niyang naisakatuparan. At isa na nga sa mga pangarap niya na kanyang nasakatuparan ay ang ibinigay niyang sorpresa sa mga ito.

Kamakailan nga lamang ay isang sorpresa ang ibinigay ni Mimiyuuh sa kanyang mga magulang, kung saan upang mas maging komportable ang mga ito kapag sila ay bumabyahe ay niregaluhan niya nga ang mga ito ng bagong sasakyan.

Ayon kay Mimiyuuuh, noon umano ay nag-aarkila lamang sila ng kanilang sasakyan kung mayroon mang pupuntahan ang kanilang pamilya, kaya naman ngayon na kumikita na siya ay isa ito sa mga pangarap niyang maibigay sa pamilya niya.

“Gusto ko lang din maging comfortable ang kanilang pagta-travel”, kwento niya sa kaniyang vlog.
Isang Toyota HiaceSuper Grandia Elite na 10-seater at talaga namang saktong-sakto sa kanilang pamilya ang binili ni Mimiyuuh sa Toyota Bicutan. Talaga namang nagusutuhan niya ang sasakyan na ito dahil sa magandang features nito, isa na nga sa mga ito ay ang pagkakaroon nito ng adjustable na upuan na may patungan pa nga ng paa kaya namang kumporatbleng-kumportable kapag nagbabyahe.

Labis naman ang kasiyahan ng ina at ama ni Mimiyuuuh na sina Tatay Amadz at Nanay Bheng ng makita na nga ng mga ito ang napakagandang sorpresa sa kanila ng kanilang vlogger na anak.
At upang ma-test drive ay agad nga nilang ginamit ang naturang bagong sasakyan. Nais pa nga umano ni Tatay Amadz na agad na gamitin ito patungo sa Bicol.

Pagbabahagi nga ni Mimiyuuuh, lahat ng bagay na kanyang ibinibigay sa kanyang mga magulang ay ganti niya sa naging pag-aaruga at pagsusumikap ng mga ito upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Matatandaan na bago pa man ang bagong sasakyan na ito, ay nauna ng bumili si Mimiyuuh nung nakaraang taon ng isang bahay na malaki at kumportable para sa kanyang pamilya.