Connect with us

Entertainment

“We are so Happy You Exist” Isabelle Daza Masayang Ibinahagi Ang Kanyang Naging Pagsilang Kay Baby Valentin

Published

on

Ganap na big brother na nga ang panganay na anak nina Isabelle Daza at asawa nitong si Adrien Semblat na si Baltie Daza Semblat sa edad nitong tatlong taong gulang. Ito nga ay matapos na ligtas at malusog na maisilang ni Isabelle ang baby brother ni Baltie na pinangalanan nga nilang si Valentin.

Noon ngang ika-9 ng Abril ay isinilang ni Isabelle ang ikalawang anak nila ng asawang si Adrien na si baby Valentin sa Matilda International Hospital sa Hongkong. Makikita sa Instagram account ni Adrien ang naging pagbabahagi niya ng larawan ng kanyang mag-ina, na may kalakip nga na caption na;

“Welcome to this world Valentin.” Sa Instagram naman ni Isabelle ay masaya rin niyang ibinahagi ang pagsilang niya sa ikalawang anak, kung saan kalakip ang letrato ay ang kanyang mensahe na;
“Velentine, we are so happy you exist.”

Matatandaan na ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat ay ikinasal noong ika-10 ng Setyembre taong 2016 sa San Francisco Church sa Tuscany, Italy. Ang pag-iisang dibbdib nga na ito ng dalawa ay dinaluhan ng kanilang mga pamilya, at malalapit na kaibigan mapalabas o loob man ng showbiz.

Ilan sa mga kaibigan sa showbiz ni Isabelle na dumalo sa kasal nil ani Adrien ay sina Anne Curtis, Erwan Heussaff, Bea Soriano, Solenn Heussaff, Georgina Wilson (pinsan ni Isabelle), Tim Yap, Rajo Laurel at marami pa ngang iba.

Samantala, ang naging asawa nga ni Isabelle na si Adrian ay isang country manager ng Adidas Philippines at ilang taon din silang naninirahan ng kanyang pamilya sa Pilipinas. Nang malipat nga ito sa Hongkong, ay doon na sila kasalu[kyang nanirahan.

Ayon sa naging ulat, noong hindipa nagkakaroon ng anak ang mag-asawa ay madalas silang dumadalaw sa bansa. Ngunit ng isinilang na nga nito ang panganay na anak, ay naging paminsan-minsan na nga lamang ito.

Sa ngayon nga ay hindi na tumatanggap ng mga teleserye si Isabelle, dahil sa mas nais nitong bigyan ng pokus ang kanyang pamilya, lalo na nga ngayon na dalawa na ang anak nila ng asawa.

Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa mag-asawa mula sa mga kaibigan nila sa showbiz, kung saan ay marami nga ang nagbigay mensahe ng pag-welcome nila sa ikalawang anak nina Isabelle at Adrien na si baby Valentin.