Entertainment
Xian Lim Wala Ng Takot At Kaba Ngayon Matapos na Mag Skydiving Sa Dubai

Kung noon ay takot at kaba ang nadarama ng aktor na si Xian Lim sa activity na Skydiving ngayon nga ay tila nagbago na matapos ngang subukan ng aktor ang naturang aktibidad. Halos lahat nga naman tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, at hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang Kapuso actor na ngayon na si Xian Lim ay isa sa mga personalidad sa showbiz na takot sa heights. Minsa ng ibinahagi ni Xian sa ilang interview at kanyang mga vlogs na siya nga ay takot sa mga matataas na lugar.
Ngunit kamakailan nga lamang ay tila nagkalakas ng loob na ang aktor na harapin ang ‘fear’ niya na ito, matapos nga niyang subukan ang sky diving ng siya ay bumisita sa bansang Dubai. Sobrang proud naman si Xian sa kanyang nagawa na harapin ang isang bagay na kanya ngang kinatatakutan. Tunay ngang hindi madali sa isang tao ang subukan o gawin ang isang bagay na labis nilang kinatatakutan at kinakailangan talaga ng matinding pagkukumbinsi sa sarili at katatagan ng puso upang magwa nilang harapin ano man ang bagay na nagbibigay ng takot at kaba sa kanila.
Sa kasalukuyan ay nasa bansang Dubai si Xian Lim kasama ang ilan sa mga Kapuso artist, tulad na lamang ni Julie Ann San Jose at ang nanalo sa The Class: Season 3 na si Jessica Villaburin. Matapos nga niyang magbigay ng kasiyahan sa marami niyang mga fans sa nasabing bansa, ay naisipan nga ni Xian ang i-explore ang Dubai, kung saan isa nga sa mga aktibidad na kanyang sinubukan ay ang pag-skydiving mula sa himpapawid at sa kabila ng ‘fears’ niya sa height ay napagtagumpayan niya itong gawin sa tulong ng kanyang instructor.
Ibinahagi nga ni Xian sa Instagram account niya noong ika-1 ng Abril ang experience niyang ito.
“When fears are grounded, dreams take flight”, ang naging saad ng aktor sa unang bahagi ng kanyang IG post. Dagdag pa niya, “Tinatapik ako ng instructor ang kulit ko daw sa ere.. kung ano-anong hands gesture ang ginagawa ko, gumigiwang aerodynamics.”
Samantala, nagpaabot naman ng suporta kay Xian ang kanyang nobyang aktres na si Kim Chiu. Makikita nga sa Instagram story ni Kim ang pagbabahagi niya ng larawan ng nobyo habang ito ay nag-i-skydiving at nilakipan niya ng caption na; “Grabe! Nainggit ako! Bucket list ko talaga, ito! Ikaw pa nauna! Congrats Xi, proud of you!”, saad nga ni Kim.
