Connect with us

Entertainment

Yam Concepcion Engaged Na Noon Pang 2018 Sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Published

on

Kamakailan lamang ng i-anunsyo ng Init sa Magdamag star na si Yam Concepcion na siya ay engaged na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend a si Miguel Cuunjieng, kung saan ito nga ay talaga namang ikinagulat ng kanyang milyong-milyong mga tagahanga.

Inanunsyo ni Yam ang engagement nila ng kanyang longtime boyfriend na si Miguel, sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng mga larawan sa kanyang Instagram account. Ang naturang mga larawan ay nagpapakita ng mga naging kaganapan sa nangyaring wedding proposal ni Miguel para sa aktres.

Nangyari umano ang romantikong wedding proposal na ito ni Miguel ng magbakasyon ang magkasintahan sa Niseko, Japan, ito ay batay na rin sa naka-pin na lokasyon sa post ni Yam.
Kitang-kita nga sa mga larawan kung paanong lumuhod sa kinatatayuan ni Yam ang kanyang boyfriend na si Miguel, para hingin ang kanyang matamis na “Oo”.

“A thousand cranes YES [engagement ring emoji] @mrcuu 12.31.18 11:59pm #747”, ang caption na inilakip ni Yam sa kanyang naging post. Naging kapansin-pansin naman sa ilang mga netizens ang nakasaad na petsa sa caption ni Yam, at ang iba nga ay hindi napigil na usisain kung bakit 2018 ang taon na nakalagay dito.

Agaran naman itong sinagot ng aktres, at ipinaliwanag nga na kaya 2018, ay dahil noon pa ngang ika-31 ng Disyembre taong 2018 naganap ang wedding proposal sa kanya ng nobyo, at sa loob nga ng dalawang taon ay itinago nila sa publiko ang kanilang engagement.

“@charlestiu kept it for 2 years! Haha now the secret out. Lol thanks Charles 😊”, ang naging sagot ni Yam. Kasunod ng naging anunsyo na ito ni Yam, ay bumuhos nga ang maraming mga pagbati at congratulatory message para sa aktres at sa nobyo niyang si Miguel.

Para naman sa kaalaman ng marami, ang aktres na si Yam Concepcion at kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng ay anim na taon ng magkarelasyon. At marami ang humahanga sa masayang relasyon ng magkasintahan, dahil sa kabila ng “long distance” ang set-up nila ay nanatiling matatag at puno ng pagmamahalan ang dalawa.

Matatandaan naman na sa isang panayam noon sa aktres, ay naibahagi niya kung ano ang sikreto ng matatag at matibay na relasyon nila ng kanyang nobyo sa kabila ng LDR set-up. Pagbabahagi ni Yam tanging ang pagkakaroon ng tiwala at kominukasyon ang susi sa isang masaya at matatag na relasyon.

Sa kasalukuyan ay nasa bansang New York si Yam, matapos nitong lumipad patungo sa nasabing bansa noong nakaraang buwan ng Mayo upang bisitahin at makasama ang kanyang nobyong si Miguel na doon nakabase dahil sa kanyang trabaho.