Showbiz
Ysabel Ortega Proud At Thankful Sa Matagumpay Na Pagtatapos Ng Kolehiyo

Nito lamang buwan ng Agosto ay isa namang napakalaking ‘achievement’ sa kanyang buhay ang nakamit ng aktres na si Ysabel Ortega. Ito nga ay ang kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo.
Si Maria Ysabel O. Lapid o mas kilala ng publiko bilang ang aktres na si Ysabel Ortega ay nakapagtapos ng kursong Bachelors of Arts in Political Economy sa University of Asia and the Pacific.
Kamakailan lamang sa kanyang Instagram account ay masaya at proud na ibinahagi ni Ysabel ang isa sa mga itinuturing niyang pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay, kung saan ito nga ay ang naging matagumpay na pagtatapos niya sa kolehiyo noon lamang buwan ng Agosto.
Ayon sa inilahad na caption ng aktres, hindi siya makapaniwala na ang pangarap niya na makapagtapos sa kolehiyo at magkaroon ng diploma ay nakamit na niya. Ito nga ay dahil hindi naging madali ang lahat, sapagkat sa apat na taon ng kanyang pag-aaral ay talaga namang naranasan niya ang umiyak at mapagod, ngunit hindi siya sumuko.
“For the past four years, I have poured my heart , my tears and my time into completing my bachelor’s degree, and I can’t believe that I made it to finish line”, ang naging unang pahayag ni Ysabel sa kanyang social media post.
Makikita naman na kalakip ng kanyan caption ay ang pagbibida ni Ysabel ng kanyang graduation pic, kung saan talaga namang napakaganda niya at hindi maitago ang kanyang kasiyahan dahil ito’y mababakas sa labi niyang nakangiti na masisilayan sa kanyang larawan.
Dagdag pa sa caption ni Ysabel, ang lahat ng mga hindi niya malilimutan na karanasan niya sa pag-aaral, lalo na’t hindi nga naman madali ang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho bilang isang artista. “I remember keeping myself awake and sane in class using cans of energy drinks and coffee, along with matching nerv0us breakdown whenever I have to leave exams early just to make it to work on time, vice versa”, ani pa ni Ysabel.
Naikuwento rin ni Ysabel na sa journey niya na ito sa kanyang pag-aaral at matagumpay na pagtatapos, ay marami siyang napagdaanan. Naranasan din umano niyang sabihan na kailangan niyang pumili kung ano ang mas bibigyan niya ng prayoridad, kung ang kanya bang pag-aaral o trabaho bilang isang artista.
“There were who thought I wouldn’t be able to do both, and there were time in where I was close to believing them, but I didn’t want to give up on my dreams. Now, here I am with proof that if you put your heart into whatever you wish to achieve, you can make it happen.”
Hindi rin naman nakalimutan ni Isabel sa kanyang naging mensahe ang magbigay ng pasasalamat sa lahat ng mga tao na tumulong at walang sawang sumumporta sa kanya sa ‘journey’ niyang ito. Unang-una nga sa kanyang mga binigyan ng pasasalamat ay ang kanyang mga magulang, na siya niyang naging inspirasyon at sandigan sa lahat ng oras.
“Thank you to my parents, for pushing me and always being my rock. To my block mates and the friend I had made throughout my stay in UA&P, you are a part of why I will always treasure my college days. To my professors, thank you for believing in me. I may not be getting my graduation march, but I’m still as grateful and as proud of what I have accomplished. This is all for you.”
Matapos nga ang kanyang naging matagumpay na pagtatapos ay mas lalo pang ‘excited’ si Ysabel sa mga susunod bang mga magagandang pangayayari sa kanyang buhay.
